Kung inaakala niya na mahirap na tanggalin ang kanyang tali sa kamay ay nagkakamali siya, dahil nang akmang mangungulangot siya ay natanggal ang talis sa kaliwa niyang kamay. Wala man lang kamalay malay ang dalawang lalaki na naatasan na bantayan siya. "Yun nga din ang iniisip ko, pero mas maganda siguro kung sa ibang lugar tayo manirahan pagkatapos nating tumakas." Sabi ng isa. Mukhang kagaya niya ay nagbabalak din ang mga ito na tumakas, parang nakonsensya siyang bigla, alam niyang pag tumakas siya na ang dalawa ang bantay ay tiyak na ang dalawa ang mananagot. Baka maunsiyame pa ang planong pagtakas ng mga ito. Mukhang mga baguhan ang mga ito sa mga ganitong samahan. Parehong bahag ang buntot ng dalawa na gusto na agad kumalas sa simpleng mga misyon palang ay suko na kaagad. Sabagay m

