Nalungkot siya ng tila nagalit ito sa kanyang pag gamit ng contraceptive pills, simula nung gumamit siya ay di na siya nito sinundo pang muli. May mga pagkakataon na napapatanong siya kung ano ang rason ng tila galit nito ng malaman na gumagamit siya niyon. Normal lang naman siguro na gumamit siya dahil di naman sila mag asawa para bumuo ng anak, at wala rin naman siyang sapat na kakayahan para mabigyan ng magandang buhay ang magiging anak niya sa ngayon. Ilang misyon din ang kanyang ginawa matapos ang misyon kung saan nakatamaan siya ng bala. "Di ko alam kung makakabalik pa ako ng buhay." Umiiyak na sabi ni Aqua sa kanya. Siya ang nakapuna sa kakaibang kilos nito lately, marahil ay napansin din ng iba ngunit mas pinili lang na ipag kibit balikat ang mga iyon. Pero dahil mabuti siyang

