Nakakubli siya sa may makapal na halaman, hinihintay niya ang go signal ng mga kasama niya para lisanin na niya ang lugar. Iba na din naman ang kanyang pakiramdam sa nangyayari sa misyon nila lalo na nang tingnan niya ang human detector niya. Mas dumami at may mga dumating pa na mga tao sa lugar. "s**t! Bakit parami ng parami sila?" Kinakabahan niyang usal. Nakita niya ang image ng mga kasama niya sa human detector niya, papalabas na ang mga ito. "Di ba nila alam na nandito pa ako?" Naiusal niya sa sarili niya nang mapansin na wala man lang nag sisignal sa kanya na umalis na sa kanyang pwesto. Nakita niyang nagkanya kanyang takbuhan ang mga dumating na mga lalaki. Napapikit siya at parang gusto niya nalang umiyak sa kaba at takot para sa sarili niya. Parang nanlumo siya lalo na ng ma

