Parang di na niya kaya pang magmasid nalang habang alam na alam naman niyang maaring nasukol na sila Jana sa loob ng hospital. Mahirap na nanghuhula kalang sa mga maaring nangyayari sa loob ng hospital. "I will go inside, please wait here for the back up." Sabi niya kay Tamara na mukhang balak na din na lumusob kahit na wala naman silang ideya kung gaano kahirap ang kanilang dadatnan na sitwasyon sa loob. *Papasok na din ako sa loob Ryon, di ko kaya ang manghula lang ng manghula kung ano ang mga nagaganap sa loob ng hospital lalo na ng mga tao ko. " Sabi nito. "Tamara, mahirap pag sabay sabay tayong papasok sa loob lalo na at wala pa ang back up natin. Alam mo naman ang maaring mangyari sa oras na mas pinaiiral natin ang ating emosyon. " Sabi niya sa babae, tila natauhan naman ito s

