After Graduation ay agad naman silang ipinatawag ni Tamara at matutuloy na daw ang kanilang misyon. Dahil di naman niya alam kung ano ang maaring mangyari sa kanya sa misyon na iyon ay masinsinan niyang kinausap si Nanay Sela bago siya umalis. "Nay, kailangan ko na po na bumalik sa trabaho." Panimula niya dito, alam niya na may ideya ang ginang na anumang oras ay pwede siyang ipatawag sa trabaho niya, dangan nga lang ay di niya maaring sabihin dito kung anong uri ng trabaho ang meron siya, di niya masabi directly ang panganib na nakatakda niyang harapin. "Ganun ba? E kailan ka babalik niyan?" Tanong agad nito, di pa nga siya nakakaalis ang pagbabalik na agad niya ang itinatanong nito. Ayon dito ay di naman gaanong alagain si Josh, kaya nakakapag linis linis pa siya sa bahay. "Di ko p

