Tahimik lang nilang binabaybay ang gilid ng dalampasigan at tila ba ay walang may gustong magsalita sa kanilang dalawa. Marami siyang gustong itanong sa lalaki pero mas pinili niya nalang na maghintay na mauna itong magsalita kahit na atat na atat na siyang gumisa ng tao. Parang ang boring naman nito masyado na kausap. "Nakausap ko ang Tita mo." Umpisa nito, napakunot ang kanyang noo naman sa sinabi nitong iyon. Masama ang kutob niya agad pagkarinig niya palang sa Tita. Kahit sa panaginip niya ay bangungot ang hatid ng nag iisa nilang Tita. Kaya hangga't maari ay ayaw niyang makarinig ng kahit ano na tungkol dito. "Sinong Tita? Bakit kayo nagkausap?" Tanong niya na bahagyang nanginig ang boses. Alam niya kung gaano katuso at oportunista ang kanyang tiyahin dahil subok na subok na nila

