Nagising siya na nakahinto sila sa isang kalsada na matao sa paligid, doon niya natanto na malapit na sila sa Manila o baka nasa Manila na nga yata sila.
"What's your name?" Tanong nito, natigilan naman siya sa tanong nitong iyon. Karapatan nga pala nitong malaman ang kanyang pangalan lalo at utang niya dito ang kaligtasan nilang magkapatid.
"Jana Marie Damaso at ito naman ang kapatid ko na si Josh." Sagot niya, naiisip din niyang palitan ang pangalan nilang magkapatid upang di na sila matunton pa ng kanyang tiyahin. Pero mahal nila ang kanilang mga magulang kaya di nila papalitan ang kanilang mga pangalan, sa pagbabagong buhay nilang magkapatid ay mag aaral silang maigi upang di na sila basta bastang maaabuso ng mga tao sa kanilang paligid. Mas magiging matibay at matatag na sila, na walang sinuman ang maaring umapak apak sa kanilang pagkatao.
"Jana, sounds so sweet. Anyway saan ko kayo ibababa?" Tanong nito sa kanila.
"Sa Manila po ba ang tungo niyo?" Tanong niya dito, mas matao sa Maynila tiyak na mas maliit ang tsansa na matunton sila ng mag asawa.
"Yes, why?" Tanong uli nito sa kanya.
"Pwede po bang doon nyo nalang po kami ibaba?" Tanong niya dito, at muli ay napadasal siya na sana ay pumayag ang lalaki sa kanyang hiling.
"Tsss okay, may mapupuntahan kayo na kamag anak or something?" Tanong nito, wala silang ibang kilala na kamag anak. Dalawa lang na magkapatid si Nanay nila at si Tiyang nila kaya naman ay ito lang ang kilala nilang kamag anak. Sa side naman ng Tatay nila ay isang kilalang angkan sa norte daw ang pamilya ng Ama nila, pero itinakwil na ito simula nung nag asawa ang kanyang ama.
"Ang totoo po niyan ay wala po kaming kakilala sa Manila, pero mas di kami matutunton kung doon nila Tiyang." Sagot niya dito.
"Seventeen ka palang diba?" Kunot ang noo na tanong ng lalaki sa kanya.
"Opo, pero sanay po ako sa mahihirap na trabaho kaya alam ko na makakaya naman namin ang mabuhay doon." Malakas ang loob na sabi niya dito. Nakaya nga nila ang masalimuot na buhay sa piling ng kanilang Tiyahin, ngayon pa kaya na malaya na sila at tanging ang sikmura nalang nilang magkapatid ang kanyang iintindihin.
"Tsss here take this, panimula niyong magkapatid." Sabi nito na ikinalingon niya dito, isang bungkos ng pera ang nasa harap niya, tig lilimang daan ang mga iyon ngunit makapal.
"S-sir di ko po matatanggap yan, malaking bagay na po sa amin ang matulongan nyo kaming makatakas mula kay Tiyong at kay Tugro." Sabi niya dito, nakakatempt ang pera na nasa kanyang harapan, ngunit hindi sila ipinanganak na opurtunista ng kanilang mga magulang. Ayaw niyang maging mapagsamantala sa mga taong gumagawa ng kabutihan para sa kanilang magkapatid.
"Kunin mo na, o gusto mo na ibalik ko kayong magkapatid doon?" Sabi nito na ikinalaki ng mga mata niya, dali dali niyang hinablot ang pera mula sa kamay nito.
"kukunin na po namin Sir, wag nyo lang kaming ibabalik doon. Babayaran ko po kayo Sir balang araw. " Sabi niya na tinitigan ang gwapo nitong mukha at muli siyang napatitig sa tattoo nito sa balikat.
"Okay, maniningil ako pag nag krus muli ang landas natin, anyway sa 24hour convenience store muna kayo hanggang sa mag liwanag then tsaka kayo maghanap ng matitirhan nyo. Ingatan nyo ang bag nyong dala lalo na ang pera nyo. Here take my jacket dito nyo itago ang pera nyo lalo at maraming mag aagaw ng bag dito.
Inilagay nito ang ilang lilibohin sa bulsa ng kapatid niya, kabilaan iyon. At siya naman ay pinasuot nito ng jacket ang natira sa bag ay ang ilang tig singkwenta pesos na mula sa patago niya kay Aling Sela. Sa dami ng pera nila ay tiyak niyang magiging maayos ang panimula nila ng kanyang kapatid, iyon ay kung magiging wais sila sa pag gastos ng nasabing pera.
"Maraming salamat po sir Zamora." Iyon kasi ang narinig niyang tawag ni Tugro sa lalaki.
"Don't call me that it's not my surname, dito na kayo bumaba act normal. Kumain kayo at hintayin na mag umaga, alas kwatro na din naman ng madaling araw. Mag iingat kayo. " Sabi nito, napatingin siya sa kapatid na alam niyang kinakabahan sa kanilang bagong buhay, pero alam niyang mas masaya na ito ngayon.
"Salamat po sa inyong kabutihan!" Naiiyak na sabi niya dito.
Alam niyang darating ang oras na kakailanganin na niyang magbayad ng utang na loob dito, pero handa siyang gawin ang lahat bilang kabayaran sa pagkakaligtas nito sa kanilang magkapatid. Maraming mga bagay ang gumugulo sa kanyang isipan noong nasa poder pa sila ng kanilang tiyahin, pero ngayon ang tanging laman ng isip niya lang ay ang kagustohan na makapagsimula silang magkapatid ng maayos.
Alam niyang kakayanin nilang magkapatid ang lahat ng magkasama, magiging lakas nila ang isat isa at sisikapin niyang magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Tinanaw na muna nila ang papalayong sasakyan ng lalaki, bago paman sila pumasok sa loob ng 24hr convenience store na iyon. Sa isip niya ay labis labis ang pasasalamat niya sa estranghero na iyon, malaki ang naging papel nito upang mabago ang takbo ng buhay nilang magkapatid.
Di man sila nito kilala ay nagawa sila nitong tulongan at binigyan pa sila ng pera na maaring magamit nilang magkapatid para sa kanilang panibagong buhay.
"Sino yun Ate?" Tanong ng kapatid niya mang makapasok at makaupo na sila sa mesa na naroon.
"Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo, oorder na muna ako ng pagkain natin, ito ang bag hawakan mong maigi. " Sabi niya na tumayo matapos na dumukot ng isang boung isang libong piso na mula sa bulsa ng kanyang pajama. Wala silang dalang maski isAng piraso ng damit pero ayos lang pwede naman silang mamili ng damit pag nakahanap na sila ng mauupahan nilang magkapatid.
"Sige Ate, gusto ko sana ang fried chicken." Halata ang pananabik sa tinig nito nang sabihin ang bagay na iyon.
"Sige, basta ang bilin ko a." Sabi niya dito, mabuti at naitali na naman niya ng maayos ang kanyang unat na unat na buhok. Kaya di na siya mukhang ginahasa ng sampung lalaki.
Nahihiya pa siyang mag order, pero nilakasan niya ang kanyang loob at umaktong sanay na sanay na sa pag oorder. Matapos na kuhanin ang kanilang number ay bumalik na siya sa kinaroroonan ng kapatid niya, kailangan nilang bumili ng cellphone na dati pa niyang pangarap pero di nalang niya ginagawan ng paraan na matupad lalo at alam naman niyang kukunin lang din ng tiyahin nila oras na bumili siya. Ngayon ay magkakaroon na sila ng cellphone na magkapatid.
"Sagutin mo na ang tanong ko ate, Sino ang lalaking iyon?" Tanong nito pagkaupo niya palang.
"Di ko siya kilala Josh, pero siya ang tumulong sa akin upang matakasan si Tiyong at si Tugro." Sagot niya dito.
"Ah ganun ba, mabuti naman ate at natakasan mo sila, pasensya kana ate Jana a, wala man lang akong nagawa para ipagtanggol ka." Sabi nito na halata ang pagsisisi.
Alam naman niya na gustong gusto siya nitong tulongan kagabi, dangan nga lang ay wala itong sapat na kakayahan upang labanan ang kanilang tiyuhin. Pero mas gusto niya ang ginawa nito na pagpapakahinahon kagabi, dahil di nila alam kung ano ang maaring gawin dito ng tiyuhin kung sakali na tumutol ito sa nais na mangyari ng Tiyuhin nila. Dati na itong nakulong sa ibat ibang kaso kaya malaki ang posibilidad na malakas parin ang loob ng tiyuhin na pumatay ng walang pag aalinlangan.
"Tama lang ang ginawa mo Josh, dahil maari kang mapahamak kung manlalaban ka sa kanya. Alam naman natin pareho kung ano ang ugali ng lalaking iyon, tsaka kalimutan na natin ang lahat ng mga nangyari. Magbabagong buhay na tayo dito, malayo sa kanila, di na tayo sasala sa kain dahil ang kikitain ko ay tayong dalawa lang ang kakain." Sabi niya dito.
"Kaya nga ate e, ang saya pala pag malaya tayong nakakakilos at walang tiyong at tiyang na naninigaw." Napahagikhik pa ito.
Ganitong oras kasi ay gising na gising na silang dalawa dahil siya kailangan na pumunta ng palengke. Habang ang kapatid niya naman ay naglilinis na ng bahay at maglalaba ng mga labahin ng pamilya ng tiyahin nila. Madalas ay walang laman ang sikmura nila, maski kape ay pinagdadamot sa kanila.
"Ngayon na tayong dalawa nalang ay mangako kang magtatapos ka ng pag aaral mo, para hindi na tayo apihin pa ng mga tao sa paligid natin." Bilin niya dito. Matagal pa ang pasukan kaya naman ay makakapaghanda pa sila para sa pasukan. Balak niyang bumalik sa pag aaral ulit, mas magiging maayos ang buhay nila kung makakapagtapos siya kahit high school man lang.
"Opo ate, pangako magsisikap po akong mag aral mabuti." Sabi nito,
"Magiging maayos din ang lahat sa atin Josh, sisikapin ko na makatapos ka ng pag aaral." Sabi nya dito.
"Salamat Ate at di mo ako pinabayaan na maiwan doon kina Tiyang." Sabi nito.
"Dalawa nalang tayong magdadamayan Josh kaya di kita iiwan doon. Gaya ng pangako ko sa puntod nila Nanay ay aalagaan kita." Sabi niya dito.
Di matatawaran ang kanyang pagmamahal sa kapatid niya, gusto niyang maging ama at ina para dito, dahil alam niyang kakailanganin nito ang gabay ng mga magulang, pero dahil wala na ang mga ito ay siya na ang gagawa ng mga bagay na iyon. Maganang magana silang kumain lalo at gutom na gutom sila at masasarap ang mga pagkain na nasa harap nila. Pero kasya lang na mabusog sila ang kanilang order, baka sumakit ang tiyan nila ay wala silang bahay na mauuwian. Mahirap na maki cr sa mga establishment at nakakahiya naman iyon. Wala paman din silang mapaliligoan na lugar.
Matapos nilang kumain ay madilim dilim pa ang paligid, kaya pinagkasya nalang muna nila ang kanilang mga sarili sa pagmamasid masid sa paligid. Delikado pa daw na lumakad lakad sila lalo na sa mga lansangan ng kamaynilaan lalo pag madilim pa. Minsan ay sinasamantala iyon ng mga masasamang loob upang gawan ng kasamaan ng mga ito, may mga nahoholdap at minsan napapatay pa ng mga masasamang loob. Kaya mas pinili niyang sa loob nalang muna sila magpalipas ng oras hanggang sa lumiwanag na sa labas. Maaga silang maghahanap ng bahay para naman makapag pahinga sila.