Xiel P.o.v. "Nak, himala at napipirme ka dito sa bahay? wala kang gala?" takang tanong ni Mama. "Wala po." Matamlay na sagot ko. Kagabi kasi nag-away na naman kami ni Jewel ng dahil sa lintik na Vein na 'yon. Parang kinakampihan pa nga niya. Tama ba naman 'yon? Kumirot na naman ang bandang dibdib ko ng maalala ko no'ng pinakilala kami ni Jewel bilang magkaibigan. Alam ko naman at expected ko na gano'n ang sasabihij niya. Pero masakit pa din palang pakinggan. Huhu! "Maglinis ka naman ng kwarto mo. Aba! papasukin ka na ng ahas do'n sa sobrang kalat," sermon naman ni Mama. Naglilinis kaya ako. "Gayahin mo 'yang Kuya mo, ang linis sa kwarto," Naku, pinagtanggol na naman si Kuya. Paborito niya talagang anak 'yon, eh. Ako kasi kay Papa naman. Kapag umuuwi siya galing abroad, mas madami

