Tumuloy na sa pag lalakad si Marcus papuntang court para mag training. Bakit nya ako binulungan at sinabing hihintayin nya ako bukas??
Dapat sinabi nya nalang sa buong tropa na hihintayin nya kami , bakit ako lang yung hihntayin nya?
“Hoy Nicole, Late na tayo tulala ka pa dyan”
Sumigaw sakin si Sowy at natigil yung utak ko kaka isip.
“ay saglet , wait”
Pagpasok namin sa room ay nandun na si Ma’am Mae, yung Mapeh teacher namin.
“ay ma’am , sorry po we are late”
“It’s okay, kakarating ko pa lang din naman, just make sure you are here before I arrived next time”
Ang bait ni Ma’am Mae, kabaliktaran nya yung ugali ni Ma’am Costa, at plot twist , magkapatid sila, mas matanda si Ma’am Costa. Saan kaya pinaglihi ng nanay nila si Ma’am Costa, charot, baka may pinagdadaanan si ma’am kaya hindi maganda yung mood nya ngayon.
Umupo na kami sa aming mga upuan para makinig sa lecture ni ma’am Mae, music yung topic namin ngayon .
Tinignan ko si Liam at naka focus talaga sya sa topic namin.
“Liam, focus na focus tayo ah” Pabirong sabi ko, “ay, hahahahha”, tumawa si Liam sa sinabi ko. It’s actually good na nakafocus sya sa klase kasi it means na nakapag adjust na sya ng maigi sa school.
Natapos na yung isang oras mahigit na klase ni ma’am Mae, nag enjoy kami dahilo mabait sya at magaling mag turo, kapag magaling magturo yung teacher ay masarap makinig sa klase nya.
Umalis na si ma’am sa classroom namin dahil oras na para sa aming last subject for the day, biglang pumasok si sir James at nag announce sa klase.
“Wala daw yung research teacher nyo ngayon , kaya kukunin ko yung time na ito for our class elections”
Biglang umingay ang klase, kanya kanyang kampanya ang ginagawa ng mga kakalase ko, hinihingi nila yung boto ng mga kakalse namin kahit wala pang nominations.
“Class, I’m now open for nominations for President “
Binulungan ni ng kaklase kong si Mathilda yung alipores nya ,
“Hoy, nominate mo ko bilis”
Agad namang tumayo yung alipores nya at ninominate sya.
“Sir, I nominate, The pretty, talented, and top student Mathilda Gomez”
Dami namang satsat nung alipores nya, nonominate na nga lang dami pang keme.Biglang tumayo si Sowy at nagnominate rin.
“Sir, I nominate, THE PRETTY, THE TALENTED AND THE TRUEE TOP STUDENT NICOLE REMILLA”
So yun na nga ninominate ako ni tanga, at sa bawat describe nya sakin ay tumitingin sya kay mathilda , lakas ng best friend ko mag parinig.
Ang back story kasi ay muntik na ako malaglag sa top 1 last year dahil kay Mathilda, kasi yung Vice dean ng school namin is yung tatay nya, buti nalang ginalingan ni tanga at na maintain ko yung position ko .
“Hoy bakit mo ako ninominate” Bulong ko kay Sowy.
“okay lang yan cyst, kaysa naman si mathilda yung maging president .
Syempre, nanalo ako, 32:3, yung mga alipores lang ni Mathilda yung bumoto sa kanya, wala syang laban sa kagandahan ko chos.
Nagpatuloy yung elections at nasa pinaka last na kaming position which is the the escort . Tapos na yung muse kanina at nanalo si Mathilda, syempre ako yung pinaka maganda sa classroom na ito at next lang sya , eh nanalo na ako kanina , kaya sya nalang yung available.
“Sir, I nominate Liam”
Kapal ng face ng Sowy, at proud ako dun , kaya ko sya naging bestie dahil super confident nya, kaso nag aalala ako kay Liam at baka uncomfy sya sa ginawa ni Sowy.
“Liam, okay lang sayo yung nomination” Tinanong ko si Liam.
“Okay lang, gwapo naman ako eh” Sabi ni liam sabay smirk, abay marunong palang magbiro si Liam, chos, gwapo naman talaga sya at nagulat lang ako kasi hindi sya uncomfy around us.
“Sir, I close the nomination.” Pabebeng sabi ni Mathilda. Ang harot naman ng babaeng to jusko, pasalamat ka tatay mo yung vice dean kung hindi nasapak na kita. Charot
Syempre nanalo si Liam, sya lang yung nominee eh , sino pa bang magbabalak na kalabanin yung kagwapuhan nya.
“congrats Liam” binati ko sya.
“congrats pres “
Wow , sya yung unang tumawag saking pres, and my plus points sya dun , chos, di naman naliligaw yung tao, asyumera lang ako.
Tapos na yung election at uwian na, sinundo ako ng tatay ko at umuwi na kami.
Lumipas ang gabi at umaga na naman, oras na para pumasok ulit sa school. Nag ayos na ako at hinatid ulit ako ng tatay ko papauntang school, pagbaba ko ay nandun si Sowy hinihintay ako.
“good morning pres” bati sakin ni Sowy.
“ohhh, ako una tumawag sayo ng Pres”
“hindi kaya” sagot ko sa kanya.
“weh, OMGGG, sino yung una”
“si Liam bakit??”
“yieeeeeeeee” asar nya sakin..
Dati si Marcus yung shiniship nila sakin, ngayon si Liam naman, get a life cyst, charot, ship kita kay Eric eh.
Naglakad na kami papuntang classroom at pag pasok namin ay nandun yung na si Eric at Liam, umupo na ako at binati sya.
“Good morning Liam”
“Morning Nicole”
Dimo kaya, close na kami ni Liam klaya first name basis na gamit namin, sana oll close, charot.
“Liam, samahan mo ako sa library mamaya, gagawin ko yung book report, gawa ka na rin”
“sure”
His answer is short but sweet, ang sarap talaga pakingan boses nya, kung singer to tas, kumanta sa harap ko baka ma fall na talaga ako, at sa dinami rami ng pwede kong tanungin na samahan ako bat si Liam tinanung ko, but I guess mag eenjoy ako kasama sya.
Nagklase kami ng ilang oras at lunch na, as usual pumunta kaming canteen para kumain, at sumama ulit samin si Marcus.
Umupo na kami sa Table at kumain at nag kwentuhan.
“hoy, yung mock match namin mamaya ah, wag nyong kalimutan.”
“OO na Marcus, kahapon mo pa yan sinabi.” Sagot ni Sowy. Di ko alam kung bakit ang init ng ulo ni Sowy ngayon hays.
Natapos na kaming mag lunch at bumalik na kami na sa class room namin at pumunta nang court si Marcus, isang subject nalang ang natitira para sa araw na to, tuwing tuesday and thursday ay is nalang ang subject namin sa hapon at vacant na yung kasunod.
But ang last subject namin today ay si Ma’am Costa. pero okay narin yun last subject na naman eh, tiisin nalang chos. Pumasok na sa loob si Ma’am costa at nagklase syempre.
“Remind ko lang yung book report nyo mga panget”
Grabehan naman si Ma’am, makatawag naman samin ng panget , wow ganda mo ma’am, pero hindi ako na apektuhan nung sinabi ni ma’am kasi I’m pretty you know, naks sana lahat ng tao mataas ang confidence.
Natapos na yung t*****e na isang oras mahigit na klase ni Ma'am Costa, kaya vacant na namin.
"Liam, Tara, samahan mo ako sa library" Sabi ko kay Liam. "okay, wait, aayusin ko lang gamit ko"
Pagkatapos ayusin ni Liam yung gamit nya ay tumayo na kami para pumunta ng library.
"HOYYY, saan kayo pupunta ng dalawa ha???" interrogate samin ni Sowy.
"MAG DE-DATE" Dahil nagmamadali na kami, yun nalang yung sinagot ko kay Sowy, napatingin sakin si Liam at tumawa.
"sana oll" Sabi ni Sowy.
"charot lang Sowy ikaw naman, pupunta kaming library para sa book report, sama ka??"
"no thanks, tinatamad ako cyst"
Umalis na kami ng classroom at pumunta ng library.
Nakakuha agad kami ng upuan dahil wala namang masyadong tao. Pagkalapag ko ng mga gamit ko sa table ay tumayo na ako para humanap ng libro na gagawan ng report at kumuha narin si Liam ng gagawan nya ng report.
Pumunta kami ng same aisle kasi nandun yung mga Novel. Nasa top yung librong gusto ko at hindi ko maabot kaya Lumapit sakin si Liam.
"FIGHTING!!" bulong nya sakin. Jusko akala ko tutulungan ako, sa teleserye at kdrama lang ata nangyayari yon. Bwiset.
AFTER ng maraming tries ay nakuha ko na yung librong gusto ko. Kinuha ko yung book na Hell University ni KIB. Para sakto sa ugali ni Ma'am Costa, charot..
Bumalik na ako sa table namin at nakaupo narin si Liam, tiningnan ko kung anong libro yung kinuha nya, at horror mystery rin ito, 13th Floor Yung pamagat, di ko kilala yung author.
Ginawa na namin yung book report at nanahimik, syempre library to bawal maingay, lumipas ang isang oras at kalahati at tapos na ni Liam yung report nya.
"Nicole, dba may mock match pa si Marcus, male-late na tayo."
"ay oo nga Tara na."
Buti nalang pinaalala sakin ni Liam yung mock match ni Marcus, at mabuti din na tapos na rin ako sa book report.
Niligpit ko na yung gamit ko at lumayas na kami ni Liam sa library. Kinuha ko yung Phone ko at nakita ko yung text ni Sowy.
" teh, where na yu, D2 na us, malapit na mag start, mukhang napatagal yung date nyo ni Liam ah??"
Sa halip na mag reply ako kay Sowy ay tumakbo na kami ni Liam, pag pasok namin ni Liam ng court ay may biglang sinabi yung isang player kay Marcus.
"par, yan na ba yung gf mo??"