Chapter 7

1541 Words
Maaga akong nagising ngayon dahil ito ang unang araw ko ng pagtuturo. Ibinigay na ni Jali sakin ang mga batang tinuturuan niya online at sa awa naman ng universe eh, napapayag naman namin ang mga parents after few chats, and more provings of my capability to teach, ayon, every weekdays starting nine in the morning to three in the afternoon, magtuturo ako. Pagtapos ko magluto at mag-prepare ng mga kakainin at babaunin nina Mama at Fria, inihanda ko na ang laptop at mga gagamitin ko sa pagtuturo mamaya. Nakakakaba pero, gagawin ko ang lahat para matuto ang mga bata. “Bye, Mommy! Wait for me ok?“ paalam ng anak ko pagtapos yumakap at humalik sakin. “Opo. Enjoy ok?“ sabi ko saka kumaway nang makasakay na sila ng service. Lumabas ako ng bahay para maglakad-lakad muna bago mag-exercise kasi mahabang oras akong mag-uupo sa maghapon. Ang ganda ng umaga ngayon, may sikat ang araw pero malamig ang simoy ng hangin. “Ahhhh!“ pag-iinat ko habang nakatingala sa taas at laking tuwa ko nang makakita ako ng maliit lang na eroplanong lumilipad ng mababa sa tapat ng bahay namin. Siguro, nag-aaral 'to. “GOOODMORRNING!!!GALINGAN MOO!!!“ palahaw ko na akala mo naman ay naririnig nong nagpapalipad. Nakagawian na nong mga bata, tuwang-tuwa pagka may dumadaan na eroplano. Hahaha. Kumakaway pa. Pagtapos ko mag-exercise, naligo na ako nagsuot ng maayos para sa pagtuturo. Pag-connect ko sa internet, sunod-sunod na ang mga notification sakin. Grabe. Simula kahapon, di na tumatahimik ang email ko at mga notifications. Nagmute muna ko para di naman ako mabad-shot sa mga parents. Ok! After ilang minutes lang eh, ready to teach na ako. Iniintay ko na lang ang estudyante ko. Wew! Nang makita ko na nga na may batang babae na naglalakad papalapit sa camera na naka-cross arms pa, may kutob na agad ako. Wow, mapapasabak na agad siguro ako. Masama ang pakiramdam ko rito. Lalo na akong kinakabahan. Pagka-upo ng bata ay agad akong bumati kaso natigil nang marealize ko kung sino yong bata. “Oy!“ sabi ko bigla. Kaso, bigla na lang niya pinutol ang communication namin. WHATTTT!? Ibang klase talaga ang batang yon. Wala na. Tapos na agad. Di manlang ako nakaporma. Mamaya-maya ay bumukas na ulit at halatang napipilitan lang ang bata at yong lalaki na katabi niya ay gulo-gulo na ang buhok at damit. Ito siguro yong tito na sinasabi niya. Malabo naman kasing gawin niya to sa Daddy niya. Humingi pa ito ng paumanhin pero tinaboy na siya ulit ng bata. “What does a stupid person like you doing here?“ dire-diretso niyang tanong. WOWWW!!! STOP ME!!! Huminga muna ako ng sobrang lalim bago nagsalita. “Hi. I will be your tutor today. May I know your name?“ “Why would I even waste my time introducing myself? You could just look at my info on the site, right? Probably, you already know. So, let's get straight to teaching. Whatever stupidity you suppose to teach me. I am not the one wasting money anyway.“ Oh my gosh. Gaanong sama ng loob ipinaglihi ang batang to? “Ok. I am Teacher Athena, and I just want to say that, right now, I am not here because of money, you…are here because I am wasting my time for you. Look, I do not know how much you already know, but I know I could still teach you something that books or anything on the internet cannot give you.“ Dinig ko ang pagtawa nong lalaki kanina na nahagip ng camera na nagtatatalon pa at naghahahampas ng unan. “Whatever," isnab ng bata. At halos naubos lang ang maghapon namin na nagtatalo. Oo, nagtalo lang kami ng nagtalo kasi nga ayaw naman nong bata makipag-cooperate. Pipinipilit niyang alam na niya yong mga tinuturo ko kaya wala talagang maayos na usap ang nangyari. Grabe, never ako napagod ng sobra sa tanang buhay ko. Kung hindi lang trabaho eh pinatulan ko na yong bata na yon. Kulang sa aruga at disiplina. Naglinis lang ulit ako ng bahay bago lumabas para maghintay sa waiting area ng mga bata na galing sa school. Habang naglalakad, di mapakali ang isipan ko kung ano pa ba ang ituturo ko sa bata na yon. May maituturo pa ba ko sa kanya? Peste naman oh. Sabihin na natin na may mga bata talaga na ipinanganak na sobrang biniyayaan ng talino, pero may mga gusto pa naman sila na matutunan sa buhay, di ba? Habang naglalakad, bigla na lang ako napatigil nang makasalubong ko ang isang may edad na lalaki na may dala-dalang mga manok habang nakasakay sa kanyang tri-bike. “Neng! Ano, kakita ko pa sayo.“ Sigaw niya nang pumreno siya sa harapan ko. “Manong Lino. Haha. Kamusta po?“ nag-aalangan pa ako na sumagot. Ok, hindi ako prepared nito. Halos nalimutan ko na nga yong wedding invitation kahapon tapos…hay! “Ayos lang neng.“ Sagot niya. Oh, sana ay umalis na siya kasi wala talaga ako sa mood sa mga ganitong bagay. Mangangalay na naman lang ang pisngi ko sa pag-ngiti. Kaso, malabo. Bumaba na siya sa tri-bike at tumabi na sa akin sa pinag-upuan ko. “Haha. Baka hanapin ka po sainyo niyan,” pasimpleng haging ko baka sakaling madala sa ganon. Kaso hindi. “Ang init no? Haaay! Ikaw kamusta ka na neng?“ “Mang Lino naman eh.“ “Neng, ilang taon na rin simula nang makausap kita at makita.“ “Oo nga po. Ok lang po ako. Umuusad ang buhay kahit mahirap.“ “May kasintahan ka na ngayon?“ “Wala po. At malabo na po siguro magkaron.“ “Ah wag ganon neng. Huwag mo sukuan ang ideya ng pag-asawa.“ “Tingan ko Mang Lino.“Maikli ko na lang na sagot. Magsasalita pa sana siya kaso nang dumating ang bus na service nina Fria, nagkagulo ang mga manok na nakalagay sa lalagyan niyang malaki sa tri-bike, na sigurado akong ihahanda sa kasal bukas. Kaya naman, kagulo na kami sa paghabol ng mga manok. Grabe ang tawanan at gulo nang makitulong na lahat na naron sa park sa paghuli ng manok pati na si Fria. Di ko na nga namalayan na may kasama na rin kami ron na hindi ko talaga inasam na makita pa ulit kasi di ko alam sasabihin ko sa kanya. Namalayan ko na lang nang matapos kami at naron siya, nakangiti ng sobrang ganda sakin. “Tay! Iniintay na nina Nanay yang manok. Una ka na. Mangangamusta muna ko.“ Sabi nitong lalaki na kinukuha ang manok na hawak ko. Takte. Wala na naman sa katinuan utak ko. “O sige. Una na ako. Punta ka bukas Neng ha.“ Paalam ni Mang Lino. Nang makaalis na si Mang Lino, kinuha nitong lalaki ang kamay ko habang isinasakbit ang bag ni Fria at saka inakay sa kaniyang kabilang kamay si Fria. Huwag naman ganito. Nauubos ang lakas ko. Natanggap ko na hindi ko na aasamin na mag-asawa o makaramdam ng ganitong pakiramdam. “Ang lamig ng kamay mo.“ Sabi niya na tumatawa-tawa pa habang pinipisil ang kamay ko. Nang makarating sa bahay, niyaya ko siya sa dating lugar namin. Pinapunta ko muna si Fria kina lola. May kubo kami na ginawa non kung san madalas kami tumambay at mag-usap ng kung ano-ano. Isa na ron ang mga pangarap namin. “Punta ka ba bukas?“ tanong niya habang naglalakad kami papunta sa kubo. “Ewan,” maikling sagot ko. “Athena, pumunta ka.“ “Haha, kala mo naman ay madali pinapagawa mo.“ “Athena,sorry.“ At ayon, tapos na nga ang usapan agad. “Ako dapat mag-sorry.“ Sabi ko. “Ano bang nangyari?“ tanong niya saka tumigil sa paglalakad at humarap sakin. “Sorry. Sorry. Ang hina-hina kong tao eh.“ At ikwinento ko sa kanya lahat. Simula noong magtapat siya kaso di ko maibalik ang sagot kasi huli na ang lahat. Buntis na ako kay Fria noon sa walang kwentang ex ko. Alam ko naman na hindi ko minahal yon pero nang mamatay ito, nirespeto ko na lang na wag na makipagrelasyon kahit kanino bilang siya ang ama ng anak ko. “Sorry!“ pag-uulit ko, na ano mang segundo ay bibigay na ang luha ko. Siya ng greatest regret ng buhay ko. Si Chalie. Bestfriend, first love, at great love ko. Di lang talaga umangkop ang oras at panahon namin kaya ganito. Pero ok na rin, at least, ikakasal na siya. Ako, naghihintay na lang ng deadline ko. Ok na rin kasi hindi niya porpoblemahin pagkakasakit ko. “Sorry kasi sumuko agad ako.“ Sabi niya. “Sumuko agad ako kay Khino kahit alam ko naman na ako ang mahal mo. Naduwag ako.“ “Sira. Akong mali. Nainlove ako sayo eh.“ Umalis rin siya agad pagtapos ng mga pag catch-up namin sa mga maraming panahon na lumipas. Pero infairness, magaan ang pakiramdam ko. Nang sumapit ang gabi, nagtext na naman si Unknown number. [How are you today?- Unknown number] [Today I am… free. I finally decided to stop denying. I hate weddings.] Sent Yes, I stopped denying now. I hated weddings but I have always wanted the feeling of a happy family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD