Kinabukasan, maaga kong nagising sa ingay ni Mama. Sabado, aalis raw siya. Bibisitahin ang mga kapatid ko. Kaya kami lang ni Fria ang maiiwan. Pero, si Fria, nandon na pala kina Lola agad. Lumabas ako para lumanghap ng hangin at kita ko na makulimlim ang panahon. Gumaan kahit paano ang pakiramdam ko mula sa puyat ko kagabi. Di kasi tumitigil ang utak ko sa kaiisip ng mga salitang sinabi ni Mama sa kausap niya. "Alis! Malilate na ako!" sigaw ng Mama sa akin. "Ah sorry! Ingat!" Yon na lang sabi ko nang may tumigil na van sa tapat ng bahay. At ang pag-aakala kong makakapahinga ako sa mga isipin, doon ako nagkakamali. Di ko pa man tuluyang naisasara ang pintuan ng bahay namin eh may pumigil rito. Paglingon ko, napatanga ako sa gwapong lalaki na basang-basa ng ulan at humihingal pa hab

