“Anong ginagawa mo rito Athena?“ inis at gulat na tanong ni Chali sakin. Bakas sa boses ni Chali ang di maipaliwanag na inis at di ko iyon nauunawaan kung bakit biglang parang kakaiba ang turing niya sa akin. Hinila ako ni Chali papunta sa harapan ng bahay nina Liam. “Bakit? Anong problema?" kalmadong tanong ko. “Anong bakit?" singhal ni Chali. “Tinatanong kita kung bakit mo ko tinatanong?" “Siraulo ka talaga Athena. Pano mo nalaman na binyag ng anak ko? Please, umalis ka na lang.“ “Anong pinagsasasabi mo?“ “Ok, sige. Kunwari na lang na di ka napadpad rito. Pero tama na, sapat na yong pagpapansin mo sa kasal namin, tapos dito pa?“ “Ano raw?“ nagtataka kong tanong. “Please umalis ka na! Kung hindi mo talaga matanggap na hindi kita pinili, kahit kahihiyan na lang sana naman sa Mam

