IT WAS a mistake. I made a fcking mistake! Ipinark ko ang aking kotse sa may parking lot ng munisipyo. Pinatay ko ang makina ng kotse, pero hindi ako bumaba. Instead, I smacked the stirring wheel several times to express my frustrations and regrets — to erase Mia’s hurt face in my mind. Nang magsawa ako sa kakahampas ng steering wheel at sa palagay ko ay hindi ako tatantanan ng utak ko ay itinigil ko na ang pag-torture sa manibela. Naipulupot ko na lang ang magkabilang braso ko rito at sinubsob na lang ang aking mukha. It seems like my brain won’t stop showing Mia’s face until I surrendered myself as guilty. I let out a sigh. Guilty na ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Dumadagdag lang talaga ang utak ko sa konsensyang ngumangatngat sa buong sistema ko ngayon. Well, congrats! Inaamin

