After I realized na nasa katawan ako ngayon ng paborito kong character na si Victoria ay agad kong inalala lahat ng natatandaan ko sa story na Roses & Thorns. So iyon, base nga sa natatandaan ko ay pangatlong anak ni Viktor Mera si Victoria at meron siyang dalawang nakakatandang kapatid na lalaki na si Vinsky at Vigor. At sa pagkakaalam ko magsisimula ang storya once na maging maid na ni Victoria ang female lead na si Rosan. Kaya nga tinanong ko sa maid na nag-aalaga sa akin if may Maid na Rosan ang pangalan dito. Pero wala daw. Kaya sa tingin ko ay hindi pa talaga nag-iistart ang storya na nabasa ko sa novel.
Unang-una kailangan kong maprevent ang ending ng story kung saan mamamatay si Victoria sa kamay ni Nixon, ang male lead. Kaya para maiwasan iyon ay kailangan kong kaibiganin si Rosan. Ang bida sa kwento na ito. Pero since hindi pa nagsisimula ang mismong kwento ay may oras pa ako para maghanda at magplano. Sorry author if iibahin ko itong ending ng storya mo pero ayokong madouble dead. Good thing at hindi pa kami nagkkrus ng landas ni Nixon. At wala akong balak na magkrus ang landas namin. Since siya ang potential killer ni Victoria ay iiwasan ko siya.
"Tori! Tori!"
Nabalik ako sa wisyo nang biglang pumasok ang isang lalaki sa kwarto ko. Nag-aalala siyang lumapit sa akin. Tapos sumunod na pumasok ang isa pang lalaki na medyo hawig niya. If hindi ako nagkakamali, itong si Vinsky ang nasa harap ko ngayon. Tapos si Vigor yung lalaki na tahimik na nakasandal lang sa hamba ng pintuan. Since sabi sa kwento na ang personality ni Vinsky ay talkative at expressive na kabaligtaran naman ni Vigor. They're twins pero magkaiba sila ng personality talaga. Pero sa pagkakaalam ko, they both care for Victoria. Their little sister. Kaya nung namatay si Victoria sa dulo ay nagkaroon talaga ng bloodshed between the Mera and Gonzalez clan. But since si Nixon ang bida sa kwento ay syempre siya ang nagwagi. Tsk. Pero dahil ako na ang nandito ay hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Hinding-hindi ko gagawin ang mga pagkakamaling ginawa ni Victoria. I will not fall in love with that Nixon Gonzalez! Because love means death.
"Tori, thank God you're okay. Pero sabi ng doktor nagkaamnesia ka daw. Ibig sabihin ba nito hindi mo na ako naaalala? Are you okay? Saan masakit? Ano naaalala mo kahit konti?" Vinsky asked with a tears on his eyes. Natawa na lang ako sa isip-isip ko. Talaga ngang tama ang description ni Vinsky sa libro. He's so dramatic when it comes to his little sister. Pero sige naiintindihan ko naman siya dahil mag-iisang buwan ngang hindi pa nagigising ang kapatid nilang si Victoria.
"Will you shut up for once, Vins? Kakagising lang ni Tori. Stop asking too much questions," sagot ni Vigor kaya napa pout naman si Vins.
"May masakit ba sa iyo ngayon, Tori?" Tanong ni Vigor nang makalapit sa akin. Umiling naman ako bilang sagot.
"Do you know who we are?" Tanong ulit ni Vigor. Tumango ako ng marahan. Kaya tila nakahinga sila ng maluwag.
"Siguro, may mga bagay lang talaga na hindi naaalala si Tori," sagot ni Vins.
Ilang saglit pa ay pumasok ang isang maid na may dalang tray na mukhang gamot ko. Kaso nang ilalapag niya na ito sa side table ko ay aksidenteng natapon sa akin ang tubig. Napasinghap ako sa gulat dahil doon.
"S-Sorry po! Sorry! Sorry Miss Victoria! Please forgive me," pagmamakaawa ng maid sabay lumuhod sa harap ko at tuloy pa din sa pagmamakaawa habang pinupunasan ang natapon na tubig.
"It's okay. Konti lang naman ang natapon sa akin. I'll just change my clothes. Just leave the medicine there and get me another glass of water," sagot ko. Sa sahig kasi natapon halos ang tubig. Agad namang sumunod ang maid at mabilis na lumabas ng kwarto. Napakunot noo naman ako nang mapansin ang titig ng dalawa sa akin.
"What?" I asked.
"Wala naman. Ineexpect lang namin na sisigawan mo ang maid at mag-tatantrums ka for getting your clothes wet," sagot ni Vins. Doon ko lang naalala na ganon nga pala ang ugali ni Victoria from the book. She's short-tempered and always having tantrums once na hindi masunod ang gusto niya. But since I'm not Victoria ay hindi ko gagawin iyon.
"Should I?" Tanong ko.
"No, nagulat lang talaga kami. Hindi namin ineexpect na magiging kalmado ka. Pero mas okay yung ganito ka. Hehe," sagot ni Vins.
After dalhin ng maid ang bagong tubig ko ay uminom na ako ng gamot. Since katawan ni Victoria ito at galing siya sa halos isang buwan na pagkakatulog ay kailangan niya ng gamot. Kahit hindi ako yung actual na naaksidente ay ramdam ko ang katawan ni Victoria na medyo nanghihina pa. Kaya nga mas mabuti nang uminom na ako ng gamot at magpagaling. I need to recover in order to utilize my plans.
Nang makaalis na yung kambal ay nagpalit na din ako ng damit ko. Tinulungan na lang ako ng mga maids. May apat kasing maids si Victoria.
Naisipan kong libutin ang kwarto ni Victoria. Kwarto na mas malaki pa sa bahay namin kahit na doblehin o triplehin mo pa. Dinala ako ng mga paa ko sa walk-in closet ni Victoria. Nang makapasok ako ay literal na napanganga ang bibig ko na kulang na lang ay mahulog ang panga ko.
Omg! Super dami ng mga damit at sapatos. Tila nangawit na yata ang ang leeg ko kakalingon. Mga branded lahat ng damit niya. Wala ka yatang makikitang mumurahin dito. Well, knowing the real Victoria from the book nga naman.
Super dami niya ding alahas na akala mo ay nasa jewelry store ka. At base pa lang sa itsura ng mga ito ay halata mo na hindi din biro ang presyo ng mga ito. Sa pagkakaalam ko, karamihan ng alahas ni Victoria ay galing sa auctions kaya walang ibang katulad ang mga ito.
After ko busugin ang mga mata ko kakatingin sa walk-in closet ay pumunta naman ako sa balcony para magpahangin. Masarap kasi ang ihip ng hangin ngayon dito sa balcony kapag palubog na ang araw. At sa story, laging sa balcony nagtutungo si Victoria para uminom ng champagne kapag may iniisip siya. Dito siya nag-uunwind. And now I know how it feels kung bakit favorite spot niya ito. Bukod sa maaliwalas ang simoy ng hangin ay tanaw din mula dito ang garden na may sari-saring kulay ng rosas.
Napayakap na lang ako sa sarili ko nang umihip ang hangin. Pero somehow ay hindi ako nilalamig. The breeze feels soothing. Kaso nakalimutan ko na may suot nga pala akong balabal kaya nahulog ito sa baba. Nang silipin ko ito ay saktong may lalaking napadaan at nakita ang balabal ko. Nang mag-angat siyang tingin ay nagkatitigan kami. Pero agad kong inalis ang tingin ko at agad pumasok sa loob ng kwarto ko.
Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto. Pumasok ang maid saka inabot sa akin ang balabal ko.
"Iniabot po sa akin ni Sir Ivan, Miss. Nahulog niyo daw po sa may balcony niyo," sabi ng maid sa akin. Bigla naman akong napatigil.
"Sir Ivan? As in Ivanoff?" I asked. Tumango naman ang maid. Doon ko lang napagtanto na ang lalaking nakapulot ng balabal ko at nakatitigan ko kanina ay si Ivanoff Suarez. Omg! The one and only second male lead!