"Kumusta na?" Tanong ko ngumisi naman ang dalawa sa'kin, ngising wagi. "Nagawa na namin uuwi na 'yon rito sa New York." Ngumisi ang asawa ng bestfriend ni Naire tila ba sinasabi na dapat ngayon humanga kana sa mga kaya kong gawin and I don't protest. "At paano n'yo naman ginawa?" Nagtatakang tanong ko kasi sa pagkakaalam ko determinado si Naire na magtago sa akin kaya nakakapagtaka na hindi man lang naghirap ang mag-asawa sa pagkumbinsi. "Hmm madali lang naman at ang bruha na 'yon ay napakaduwag pero Mr. Zapanta ginawa ko lang ito para maging masaya ang bestie ko pero ipangako mong 'di mo na siya sasaktan. Kung 'di mo lang inamin na mahal mo na ang bestie ko at nag-MMK sa harap ko tiyak na 'di kita tutulungan." Seryosong sabi ng bestfriend ni Naire which made me smile alam ko namang mag

