Chapter 16 -Dancing with a Stranger? Zed "Master Morley..." tawag ko sa kanya na noo'y busy ayusin ang necktie ng kanyang tuxedo at nakaharap pa sa salamin. Hinarap niya ako. "Zed?" Nagtatakang tanong niya. Inalis ko maskara na natatakpan lamang ang mga mata ko. "Gusto ko sanang itanong kung bagay ba ang suot ko." tanong ko sa kanya. Doon niya ako sinipat mula ulo hanggang paa. "P-pero bakit may maskara ka pa? For your information Zed. Hindi masquerade ball ang pupuntahan mo." tanong niya kapagkuwa'y ngumiti siya. "Ahh, may isasayaw ka 'no?" "Ahmm.. " napakamot ako ng batok. "W-Wala... hindi naman po s-" "Sus! Kunwari ka pa. O siya sige na. Pero tandaan mo Zed full moon ngayon. Wag kang masyadong gagamit ng kapangyarihan mo. Mahirap na." Tumango na lang ako sa sinabi niya a

