Paulit ulit na nagpabaling baling ako sa aking pagkakahiga. Anuman kasi ang gawin na posisyon doon ay hindi man lang ako dalawin ng kahit kaunting antok. Anong oras na pero hanggang ngayon ay gising na gising pa rin ang aking diwa. Para bang punung puno ng enerhiya ngayon ang buong katawan ko. Kulang na nga lang yata ay tumakbo ako ng ilang kilometro o kaya mag-ehersisyo ng ilang oras para makaramdam ng kahit kaunting pagod. Ngunit alam ko na ang pakiramdam ko na ito ay resulta ng walang mapaglagyan na kasiyahan ko. Ni hindi ko nga mapigilan ang aking sarili na mapangiti. Para bang awtomatiko na lamang ito kukumurba paitaas sa tuwing maalala ko si Sir Apollo. "Kyaaah!" Pagtili ko pa bago kinikilig na isiniksik ang aking mukha sa unan. Pagkatapos ay ilang ulit na inihampas ko sa higaa

