Nang makarating kami sa ospital ay dali dali na ibinababa mula sa ambulansiya ang stretcher na siyang kinalalagyan ni Sir Apollo. Pinagdaop ko ang mga nanginginig kong kamay habang pinapanuod ang nangyayari. Hindi ko magawqng maitago pa ang aking labis na pag-alala nang makita kung gaano namumutla na ang kanyang balat at wala pa rin siya malay. Dahil sa malalang kondisyon na iyon ni Sir Apollo ay agaran naglapitan ang mga nurse at doktor. Umiiyak naman na lumapit si Miss Izabella sa kanila. Namumula na ang mga mata niya dahil sa kanina pa niyang pag-iyak. Pagkatapos ay kumapit si Miss Izabella sa braso ng doktor. "Doctor! Please, please, save Apollo!" umiiyak na pakiusap ni Miss Izabella sa doktor na iyon, "D-Don't let him die. Please, please..." Inilayo naman ng mga nurse si Miss Izab

