Naamlipungatan na lang ako mula sa mahimbing na tulog nang maramdaman ang bahagyang pagkilos ng katabi ko. Ngunit dahil na rin sa matinding pagod at antok ay sinubukan ko na lang ipagpatuloy muli ang aking tulog. Kaso nagising na naman ako nang maramdaman ang isang braso na humapit sa aking bewang kasunod ang mahigpit na yakap. Dahil doon ay lihim na napangiti ako nang maalala ang mga kaganapan sa pagitan naming kagabi. Isang gabi na hindi ko kailanman malilimutan. Isang gabi na punung puno ng aming pagmamahal at pagnanasa. Isang gabi na hindi ko talaga pagsisihan. Hanggang sa maisipan ko na nanlalambing na isisiksik ang sarili sa yakap nv taong iyon at gumanti na rin sa kanya ng isang mahigpit na yakap. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa aking noo. "Gising ka na ba, Savannah?

