Ilang sandali na napatitig na lang ako sa nakasaradong pinto na siyang nilabasan ng mag-asawang Mijares at ni Miss Izabella. Hindi talaga ako makapaniwala na pinili nilang iwan sa aking pangangalaga si Sir Apollo. "S-Seriously...?" Dahil sa bilis ng pangyayari ay mariing napakagat labi ako at halos sabunutan ko pa ang sarili kong buhok. 'Yung pakiramdam ko ay tila ba naisahan ako na hindi ko man lang namalayan. "Urrrgh! Ginagawa ba nila ito sa akin para parusahan ako?" paghihinala ko na lang, "Dahil ako ang dahilan kaya nasaksak si Sir Apollo..." Ngunit paano na lang kung biglang magising si Sir Apollo at ako ang mabungaran niya na kasama niya? Ano na lang ang ibibigay ko na paliwanag sa kanya? Na iniwan sa akin ng magulang niya at nobya ang pag-aalaga sa kanya? Hindi naman yata t

