Hiyang hiya na napatakip ako ng buong mukha dahil sa maling pag-aakala na iyon ng mga pinsan ni Sir Apollo. Ang buong akala kasi nila kaya si Sir Apollo ang pinili ko ay dahil sa may malaking pagkagusto ako sa kanya. At siyempre wala naman katotohanan iyon. Wala naman talaga ako nararamdaman na kahit anong katiting na pag-ibig para kay Sir Apollo. Well, aaminin ko na medyo bias ako sa kanya dahil sa kamukhang kamukha niya si Apollo. Pero iyon lang talaga iyon. Wala ng iba pang rason at dapat na pag-usapan pa. "Urrrrgggh... Basta hindi na counted iyon," pag-angal muli ni Vulcan sa ginawang pagpili ko, "Maling mali na si Miss Savannah ang tinanong namin tungkol dito. Ano naman kasi ang laban namin kung una pa lang ay may favoritism na siya di ba? Siyempre hindi maiiwasan iyon. Malaman

