Dream 111

1784 Words

Napakamot naman ako sa biglang panggigisa na iyon ni Giselle. Akala ko kasi ay nakalimutan na niya nang makita niya ang mga pinsan ni Apollo. "Uhmmm eh... Hindi ba pwede na kumain muna tayo? Mamaya na lang ako na magkwento?" Sinimangutan naman ako ni Giselle. "Eh ano ang gusto mong gawin natin dito habang nag-iintay ng food? Magtitigan lang?" singhal naman niya sa akin, "Naku, naku, Savannah, huwag mo na subukan pa na magpalusot." Napangiwi namab ako sa pamimilosopo niyang iyon. "Sabi ko nga eh... Magkwe-kwento na ako," napipilitang sambit ko. Doon ay tuwang tuwa na napalakpak si Giselle. Pagkatapos ay nalumbaba pa siya na tila nag-iintay na magsimula na nga ako na magkwento ng isang mala-fairytale na lovestory. Kaya malakas na napatikhim naman ako at sinimulan na isipin kung saan ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD