The Engagement Party

1283 Words
EPISODE 3 CHARLOTTE DIZON's POV "W-what?" I said, "dahil nakakagulat naman, eh! Kahapon ko lang nalaman na ikakasal ako, tapos ngayon naman sasabihin ni Dad na engagement party na bukas." Bulalas ko sa ko sa sarili ko. "Dad! bakit naman ang bilis yata? Agad agad!" Reklamo ko. "Charlotte, listen, we are running out of time. Kailangan na ninyong ma-ikasal dahil yun ang desisyon ni Kyle Smith Cordova." he said. "Pero Dad! bakit naman nagmamadali si Mr. Cordova?" tanong ko sa kanya. "Anak, hindi ko alam kung anu ang dahilan niya, basta ang sabi niya lang sakin may dahilan siya kung bakit niya minamadali ang pagpapakasal sa inyo ng anak niya." he explained. "But Dad, hindi ko pa nga nakikita ang lalaking papakasalan ko, eh! Ni hindi ko nga alam kung anu ang itsura niya." I said. "Anak, alam kong magugustuhan mo siya. Magtiwala ka lang sakin anak." wika ni Daddy sa akin. "Okay, dad, wala naman akong choice, eh!" Saad ko sa mababang tinig. "By the way, Charlotte. Kamusta kayo ni Wilson? Nakausap mo na ba siya? Nasabi mo na ba na magpapakasal kana?" he asked me. Biglang nagbago ang mood ko sa sunod-sunod na tanong ni Dad. And I composed myself first before I answered my Dad's question. "Actually Dad, hindi kami ng kausap ng maayos, dahil...." Huminto ako saglit para humugot ng hininga bago ko ipagpatuloy. "Dahil anu anak?" tanong ni Dad. "Dahil tinawagan ko siya para magkausap kami, pero hindi siya sumasagot, kaya naisipan kong puntahan na lang siya sa condo niya. Pero pagdating ko dun Dad, ay iba pala ang nadatnan ko." I explained. Para na akong maiiyak dahil bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na hindi ako maiyak. Pero hindi ko mapigilan kaya napa hagulgol na ako. "Charlotte, are you okay?" tanong ni Mom na may pag aalala na mukha. Tumango naman ako. "Anong nadatnan mo doon anak at umiiyak ka?" tanong naman ni Dad sa akin. "Nadatnan ko si Wilson na may kasiping na babae, Dad, at nakita ng dalawa kong mga mata ang ginagawa nila. Mom, ang sakit na makita mong may ibang babae ang boyfriend mo. Ang sakit-sakit.." wika ko at tuluyan na akong napa-iyak. "It's okay anak, at least nalaman mo ng mas maaga at hindi mo na kailangan magpaliwanag sa kanya." wika ni Mommy. Si Dad naman ay nakatingin lang sakin na hindi ko mabasa ang reaksyon niya. Nagtagal pa ako sa ganun na kalagayan, pagkatapos ay agad din naman akong nagpaalam kila Mommy, na babalik na muna sa kwarto ko... ------- Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sinabi ni Mommy na pupunta kami ng mall para bumili ng isusuot ko mamayang gabi sa engagement ko sa lalaking hindi ko pa nakikita. Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko. Nag hilamos ako at nag toothbrush din, at pagkatapos ay naliligo na rin ako. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa closet ko para magbihis. Naglagay na rin ako ng light make-up, pagkatapos ko ay kinuha ko ang shoulder bag ko at sinulyapan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto ko. Pagbaba ko ay nadatnan ko si Mom na nakaupo sa single sofa na nasa sala namin. Agad ko itong nilapitan at niyaya na siyang lumakad. "Let's go Mom!" Pagkuha ko sa attention ni Mommy. Nagulat naman siya sa biglaan kong pagsulpot sa tabi niya, kaya bahagya akong napangiti. "Oh! Anak, nandyan ka na pala. Nakakagulat ka naman." wika ni Mommy. "Tayo na Mom, at baka tayo matraffic." wika ko sa kanya. "Okay, let's go, then." wika ni mommy. And as a cue, ay lumabas na kami at nagtungo na sa kotse ko. Agad naman akong pumasok ni Mommy sa kotse at sisimulan ko na itong paandarin. Habang nasa daan kami ay walang umimik sa aming dalawa. Dahil busy si Mom sa phone niya. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa mall ni Mom. Paglabas namin ng sasakyan ko ay l agad kami nagtungo sa isang boutique sa sikat na designer. Marami akong nakita na mga magagandang damit, kaya hindi ako makapili agad. Hangang sa nakita ko ang kulay peach na dress, mahaba ang slit sa gilid at hapit na hapit sa akin. Ito na lang ang pinili ko. Kaya agad na naming binayaran. Nag ikot-ikot pa kami ni Mommy, nag pasalon na rin kami. Alas 3 na ng hapon kami nakabalik ni Mommy sa bahay. Sakto naman na nadatnan ko si Ate sa may sala at busy sa panonood ng koreanovela. Agad naman akong lumapit dito at binigyan siya ng isang hug. "Hi, Ate Ava, how are you?" tanong ko sa kanya. Binigyan naman niya ako ng matamis na ngiti sabay salita... "Hello, baby girl! Are you ready for tonight?" she said. You are gonna see your future husband to be…" Pang-aasar pa ni Ate. "Ate naman, eh, iniiba mo naman ang usapan, eh!" wika ko sabay nguso ng labi ko sa kanya. "Oh, c'mon, baby girl, don't do that! Para kang si Donald Duck, hahahaha!!" Pang-aasar lalo ni Ate sa akin. "Si ate talaga! Ma, oh! Si Ate inaasar nanaman ako!" Nagsusumbong ko kay Mama. Mas lalo lang lumakas ang tawa ni Ate. "Hahahaha! Hahahaha!" she laughed. Inikotan ko na lang siya ng mata ko at diretso na sa kwarto ko para magpahinga saglit. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nakahiga sa kama ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako sa tinig ni Ate Ava. "Hey! Baby girl, wake up kana! Ma l-late na tayo sa engagement mo. Agad naman akong napabalikwas ng gising dahil sa sinabi ni Ate. "Anong oras na ba Ate?" tanong ko sa kanya. "It's already 6 o'clock in the evening, baby girl, kaya bumangon kana dyan." wika ni Ate. Napapalatak naman ako sa sarili ko. "Oh my! Malalate na nga tayo!" Bulalas ko. Dahil sa pagkataranta ko hindi ko malaman kung ano ang una kong gagawin, kaya agad naman akong sinita ni Ate. "Hey! hey! Baby girl, easy ka lang, hindi ka naman hinahabol, ah!" wika ni Ate Ava. Hindi ko na lang siya pinansin at agad na pumasok sa banyo at naligo na… ----------- Nandito na kami sa kotse ni Daddy at on the way na kami ni Ate Ava pumunta sa venue ng engagement ko. Habang papalapit kami sa venue, ay bigla akong kinabahan. Pinagpapawisan ang kamay ko. Napansin naman yun ni Ate, kaya nginitian niya ako at sinabi niya sa akin na… "Baby girl, just relax okay, dapat relax ka lang dahil sayo ang gabing ito." she said. Napatango naman ako kay Ate. Nakarating na rin kami sa venue ng engagement party. Agad naman kaming pinagbuksan ni Ate ng driver namin. Kami lang ni Ate ang magkasama. Kasi nauna na sila Mommy at Daddy. Pagpasok pa lang namin sa may pinto ng hotel ay mga nag kikislapang na kaagad na kamera ang bumungad amin ni Ate. Mga mata na iba-iba ang reaksyon, may ibang nakangiti at may ibang nakata taas ang kilay at ang iba naman ay napapa "wow" na lang. Hinayaan ko na lang ang mga ito at nagpatuloy na kami ni Ate Ava sa paglalakad ng may kasamang confident na baon. Taas noo akong maglakad sa may red carpet ng entrance. At may narinig pa akong nagsalita sa mga taong nadaanan namin. "Sino kaya sa kanila ang engage kay Mr. Smith?" Girl number one. "Baka wala sa kanila." Girl number two. "Ang gaganda nila, anu!" Girl number three. Napailing na lang ako, at hindi ko na lang ito pinansin pa at tuluyan na akong naka lapit sa table kung nasaan sila Mommy kasama si Ate Ava........... ---------Ruiz_28-----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD