CHAPTER 6

1221 Words
LOURDES'S POV: "Whose kid is that?" Tanong ni sir Danya, habang titig na titig sa anak ko. Lumapit ako sa anak ko, at hinalikan ang pisngi niya, ignoring what my boss asked. Ang anak ko naman ay palipat-lipat lamang ang tingin sa aming dalawa, na may kunot sa kanyang noo. "Mama, sino po siya?" Tanong sa akin ng anak ko, na walang patid ang pagtitig sa amo ko. "Siya 'yung amo ko," bulong ko sa kanya, na ikinatango niya na lamang at nagpatuloy sa pagkain. Siguro ay iniisip niya na tatay niya na ang boss ko. Hays, kung may naaalala lamang ako ay matagal ko na siyang dinala sa ama niya, para makilala niya na agad. "Magandang umaga po," ang bati niya sa aking nanay habang siya ay lumalapit sa amin sa mesa. "Magandang umaga, sir!" Bati rin ng aking ina. "Halika, maupo ka rito. Kumain ka na rin. Nagluto ako ng sinanganag, itlog, tinapa't kamatis, kumakain ka ba ng ganitong pagkain, iho?" Tanong ni nanay. Alam kong alam niya na rin na amo ko si sir Danya. Mabuti na lamang at hindi na sila nag-usisa sa pagpapatuloy ko sa aming silid ng anak ko. Nakakahiya talagang patulugin ang amo ko sa sala, samantalang may maganda akong silid sa bahay niya. "Opo, kumakain ako ng mga 'yan. Pasensya na po sa abala ko." Sambit niya sabay muling titig sa akin, at sa anak ko. "Wala iyon, malapit ka rin naman dito sa bahay kaya dito ka naisipang dalhin ng anak ko, pasensya ka na, hindi malaki ang bahay namin." Nahihiyang sabi ni nanay. "Naku, ayos lang po. Salamat po sa pagpapatuloy sa akin." Sabi niya habang nakatitig sa aking mukha, tapos ay muling tumitig sa aking anak. Parang may paro-parong nagliparan sa aking tyan nang lumapit siya sa aking anak at hawakan ang ulo ng aking anak at hinaplos-haplos iyon. Ang anak ko naman ay tila nasabik din sa haplos at ngumiti nang malapad. "I like your hair cut!" My son exclaimed, na ikinakunot ng noo ko. Marahil ay naghahanap lamang ng pagmamahal at atensyon ng isang ama ang aking anak, kaya siya ay nagsasalita ng ganoon sa aking amo. Hindi rin naman pala puri ang anak ko sa kahit sino. Sa amo ko lang kaya gano'n na lang ako kagulat sa sinabi ng aking anak. "I like yours, too!" Sagot naman ni sir Danya, na ikinaliwanag lalo ng mukha ng anak ko. Talagang nagustuhan niya ata talaga ang amo ko. "Remus, paalam ka na kay sir Danya. Male-late ka na sa school." Rinig kong bulong ni nanay nang mapansin na patapos ng kumain ang anak ko, kaya agad tumalima ang anak ko. "Ba-bye po, see you po next time!" Sambit niya kay sir Danya na ngiting-ngiti ring nakatitig at lumuhod pa sa anak ko sabay haplos sa pisngi ni Remus na ikinasinghap ko. "Balik ka po ulit dito ha," request ng anak ko na ikinaawang ng labi ko. "Ikaw talaga, Remus! Nakakahiya kay sir!" Mahina kong sita sa anak ko, ngunit pinigilan ako ni sir Danya. "Ayos lang, kapag may libreng oras ako, babalikan kita rito at magdadala ako ng pasalubong," sabi niya, na ikinasinghap ko. Seryoso kaya ang mokong na 'to? Baka paasahin niya lang ang anak ko. Naku, malalagot siya sa akin! "Naku, maiwan ko na kayo d'yan. Ihahatid ko na muna itong apo ko sa paaralan." Wika ni nanay nang matapos na makapagpaalam ni Remus kay sir Danya. "Ba-bye mama!" Paalam niya sa akin, sabay halik sa akin at yakap. Inihatid ko sila nang tingin hanggang sa lumabas sila ng kusina. "So, where's the father of the child?" Masungit niyang tanong, matapos makaalis sila nanay. "Hindi ko alam." Deretsa kong sabi, na ikinakunot ng noo niya. "P'wede ba 'yung hindi mo alam? Anyway, nakapag-impake ka na ba? Aalis na tayo maya-maya lamang." Balik sungit na sabi nito. "May dahilan kasi," masungit ko ring sabi, akala niya papatalo ako. NAndito kami sa bahay at nasa labas lang ang tatay ko, umayos siya! "Ikaw, mayroon na ba?" Dugtong ko na ikinatalim ng titig niya. Oh, my f*cking mouth! Hindi na siya nagsalita, halatang nakuha ang inis sa sinabi ko. Sa aking kadaldalan ay muli na naman akong mapapahamak kaya binilisan ko na lang ang aking pagkain at agad na umaykat sa aking silid matapos makakain, at nag-impake ng mga damit ko. Matapos ay agad na akong bumaba, dala ang isang bag. Agad na bumungad sa akin ang amo ko na prenteng nakaupo sa aming sofa na akala mo ay isang hari na nakaupo roon. Naging maliit tuloy ang itsura ng aming upuan dahil sa laki niya. Si tatay, sa aking paningin, ay parang duwende, grabe. Sorry na po agad, tay. "Oh, ayan na pala si Lourdes," agad na sbi ni tatay nang makita ako. I'm not sure, but when he looks at me, I feel as if he's staring into my soul. Sa lalim ng titig niya ay para bang trip niyang mangagat. Subukan niya lang, kakagatin ko din siya, sa ano. "Tara na?" Aya ko sa kanya. Lumapit ako sa tatay ko para magpaalam at magmano. "Salamat po, tay!" Rinig kong sabi niya nang mauna na ako sa nakaparada niyang kotse. "I'm sorry for calling you last night," sambit niya habang binabagtas namin ang daan patungo sa bahay niya. "Ayos lang, malapit lang naman ang bahay," sagot ko. "Salamat." Sambit niya na ikinalingon ko. Wow! First time 'yon. Ang bait niya ngayon, nagayuma ata ni nanay sa nilutong almusal kanina. "How old is your son?" Tanong niya na ikamilog ng aking mga mata. Why is he curious? Kanina pa siya giliw na giliw sa anak ko, ah. Nagkaroon kaya sila ng anak ng asawa niya? Kaya gano'n na lang siya kagiliw sa anak ko? "I'm sorry, but can we bring him next time?" Umaawang ang aking bibig nang tanungin niya iyon. Sa dami ng sasabihin niya ay ito ang hindi ko inaasahan. Agad akog ngumiti sa tuwa. "Oo naman! Kailan?" Excited kong tanong. "Sa friday, pag-awas niya. Sunduin natin siya sa school niya." Sambit niya na ikinabilog ng mata ko. Ibig sabihin ay makakasama ko sa gabi ang anak ko. Nalungkot pa naman ako nung nag-impake ako, at nangiyak-ngiyak na hindi ko makakatabi ang anak ko. Ngayon sa sinabi niya ay tila lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Bihira lang ang amo na mabait sa kasambahay nila, kaya tatanawin ko na utang na loob 'yon. "Thank you, sir!" Tuwang-tuwa kong sabi, na ikangiti niya rin. Oh my! Mas gwapo pala siya kapag ngumingiti, parang isang modelo ng isang toothpaste, lalo na noong lumabas ang biloy sa mga pisngi niya. Unti-unti akong napatigil sa pagngiti nang maalala ang hitsura ng anak ko. Bigla ay napaisip ako ng pagkakapareha nila ng anak ko. My son has dimples, too. Kaya lang mas halata sa anak ko dahil kahit nakain siya o humihigop sa straw ay kaagad lumalabas ang mga biloy. Bukod pa roon ay mukha rin silang parehong may lahing banyaga. Kung hindi lang siya ang aking boss, maaaring naisip ko na siya ang ama ng aking anak. At kung siya nga ang ama, 'di ba nararapat lang na ipinakilala na niya ang sarili bilang ama ng aking anak, ngunit hindi niya ginawa. Nagkataon lang siguro na parehas sila ng featured dahil may lahi rin siguro ang tatay ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD