LOURDES'S POV: Damn! Simula nang gabing napanaginipan ko iyon ay gabi-gabi ko na siyang napapanaginipan. Ang malala pa ay kung saan-saan pa kami nagtatalik sa panaginip ko. I often wake up with wet panties. Kaya kahit dis-oras na nang gabi ay bumabangon ako para magpalit. Nag-iinit ang aking katawan, pero nang maisip ang pool ay naisipan kong magbabad roon. Dahan-dahan akong lumabas ng aking silid at marahang naglakad patungo sa likod ng bahay, kung nasaan ang pool. Habang naglalakad ako, naririnig ko ang mga huni ng mga kuliglig at ang banayad na pagaspas ng mga dahon sa hangin. Ang malamig na simoy ng hangin ay bahagyang nanuot sa aking balat, ngunit ang pagnanais na magbabad sa tubig ay nananatili. Nang dumating ako sa pool, napansin ko ang malinaw na tubig na nagliliwanag sa ilalim

