Chapter 23

1761 Words
Lumipas ang ilang minuto at wala akong nakitang hindi pangkaraniwan sa lugar, maging ang mga tao ay mga ordinaryong tao lamang. Inakala kong dead end na ang lugar na ito pero nakahanap ng impormasyon ang laptop ko. Mga detalye tungkol sa café, date kung kailan ito nagsimula, mga hinahaing pagkain at inumin at detalye tungkol sa may-ari. "Trent Vaughh Avalos." Mahina kong binasa ang pangalan niya. Agad ko siyang hinanap sa internet. Maraming lumitaw na accounts at may iba't ibang mukha. Isa-isa kong tinignan ang profile nila pero wala akong ma-link sa café. Masasayang lang ang oras ko kung iisa-isahin ko ang mga ito. Tinawag ko ang waiter at sa kanya ko hinanap ang may-ari ng café. "Wala po siya e. Kadarating lang ho niya kahapon baka next week na ho nyan sunod niyang bisita rito." Kahapon din nagpunta si Althea rito. "May email ba siya or contact number na pwede kong tawagan? I want to invest." Malaki ang naging ngiti ng waiter sa sinabi ko. Humingi ito ng sandali at pumasok sa loob ng kusina. Pagbalik niya hawak na niya ng calling card na kung saan naka-pangalan kay Trent Avalos. Bago ako umalis ng café, tumingin muna ulit ako sa paligid. Baka sakaling may nalagpasan akong importanteng detalye, pero wala talagang kakaiba. Muli akong humigop sa lumamig ng kape sa mesa ko. Sa tabi niyon ang libro na hindi ko man lang binuklat. Inakit ako ng makinang niyang pabalat at sayang naman kung hindi ko man lang malaman ang tungkol ito saan. It was a children fairy tale entitled The Story of the Lost Cat. Binase ko nalang ang istorya sa larawan, pero kataka-takang wala ang huli nitong pahina. I didn't bother to look at it more, hindi naman iyon importante. I took my things with me and went out of the café. Gamit ang kotse ni V, sinuyod ko ang siudad, hindi alam kung saan ang pupuntahan. There is no need to hurry, kaka-check ko lang sa lokasyon ni Althea at naroon pa rin siya sa bahay nila. Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko sa abalang siudad, nag-ring ang cellphone ko at pangalan ni V ang nakarehistro. "Kuya umuwi ka na. Sinasayang mo lang ang gas ko kakaikot mo. Beside, wala akong gagamitin mamayang pauwi." Bungad ni V. "Mag taxi ka nalang, mamaya pa ako uuwi. Na-recieve mo ba ung email na pinapahanap ko sa 'yo?" Ang email ni Trent Avalos ang tinutukoy ko. "Hindi mo naman nakita online 'di ba? Paano ko pa hahanapin?" "Tignan mo sa mga blogs, magazines at newspaper. Sa social media sites ko lang hinanap pero hindi sa iba." Rinig na rinig kong nagrereklamo si V sa mga pinagagawa ko sa kanya. Kesyo raw hindi naman niya trabaho na tulungan ako sa mga personal na bagay, na nandoon lang siya bilang nurse niya at kapatid. Hinayaan ko siyang magreklamo sa telepono, wala rin naman siyang magagawa kung 'di sumunod sa 'kin dahil binabayaran ko naman siya. "Shh..." pagpapatigil ko sa kanya. "Naririnig mo ba 'yun?" Natigil siya sa kasasalita. "Ang alin?" tanong niya matapos ang ilang segundo. I ended the call. Alam kong inis na inis siya sa ginawa ko at napapangiti ako sa tuwing nagagalit siya dahil sa mga malilit na bagay na ginagawa kong kinaiinis niya. We are only aged a few months part from each other kaya naman sanggang-dikit talaga kami simula nang bata pa lang kami. We only have each other. Tinignan ko ang oras, kailangang kong mag almusal dahil iinom na naman ako ng gamot ko. I scanned my eyes along the street where I was driving. One store caught my eye - a convenience store. Pagpasok ko pa lang, inulan na ako ng mga aalala. Hindi ko matansta ang mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako o malulungkot. It was as if I saw her once again, to that time where we were still us, still happy. Kinuha ko na ang kailangan ko't umupo sa isa sa mga libreng upuan doon. I face the glass wall at doon kitang-kita ko ang mga nagdaraang mga tao. The smoke savored my senses as I took a sip from the instant spicy noodles I bought. Magpahanggang ngayon hindi ko makita ang dahilan kung bakit nasasarapan si Althea rito. Sa totoo lang puro MSG naman ito at artificial seasoning, still I finished it. As soon as I took my medicine, I gazed upon a familiar face. It was a woman walking pass the convenience store where I was. Kahit pa kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng buhok niya, nakikilala ko pa siya. Agad akong tumayo at lumabas ng tindahan. She was walking on the other side of the street. I crosses the road kahit pa bawal tumawid roon. Sa sobrang pagmamadali ko, masyado kong nagamit ang paa ko't nakadama ako ng biglaang pagsakit. I scream in pain habang napapaupo na lang ako sa gilid ng kalsada. May mga taong lumapit sa 'kin at kabilang na roon ang hinahabol ko. Sinadya kong itago ang mukha ko sa kanya. "Anong nangyari? Saan ang masakit?" Tanong niya. "Nasa kotse ang gamot ko," Pagsisinungaling ko. "Pwede mo ba akong samahan doon... nurse?" Tinignan ko siya at nakita kong nagulat siya nang makita ako. Sinubukan niyang tumayo pero hinawakan ko ang kamay niya't hindi siya hinayaang makalayo. "T-tumawag na lang kayo ng ambulansya." Natataranta niyang wika. Iniiwasan niyang makita ko ang mukha niya. "Nurse ka hindi ba? Basahin mo lang ang reseta ng doktor, doon sa kotse ko." Bahagya ko siyang hinila at inilapit ang bibig ko sa tainga niya. "Hindi kita sasaktan. I just need to ask you a few questions." Bulong ko sa kanya. May ilang taong tumulong sa 'min para maalalayan ako papunta sa kotse ko na nakaparada sa hindi kalayuan. Hindi ko inalis ang tingin ko sa babaeng pakay kong kausapin. Matapos kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa 'min ay pinapasok ko ang ale sa kotse ko. "Anong kailangan mo?" Bungad niya sa 'kin. Hindi man siya makatingin sa mata ko at kapansin-pansin rin ang mangangatog niya. "Ikaw ang nurse na nakausap ko noon sa bodega. Kasama ka ng doktor na gumawa ng extraction hindi ba?" Nanatiling tahimik ang ale at diretso pa rin ang tingin sa harapan. "May contact ka pa kay Althea?" Tensyonado ang ale at tila ba takot na takot sa 'kin. "Hindi kita sasaktan, gusto ko lang malaman ang kalagayan ni Althea." "Wala sa panganib si Althea. Inaalagaan siya ng mabuti ng asawa niya." Matigas niyang wika. "Mabuti kung ganon," may kirot pa rin sa puso kahit pa alam kong maganda naman ang kalagayan niya. "Natapos niyo ba ang extraction? May naging epekto ba iyon sa kalusugan niya?" Pag-uusisa ko. Mabibigat ang paghinga ng ale at tila ba tensyonado siya sa nangyayari. "Bakit ka pa ba bumalik? Anong gusto mong gawin sa kanya?" Aniya na hindi sinagot ang mga tanong ko. Tinignan niya ako at kita ko sa mga mata niya ang pighati. Naluluha siya, hindi ko lang malaman kung galing ba iyon sa lungkot o sa galit. "Kailangan ko malaman kung ligtas si Althea, kung okay lang ba ang kalusugan niya. Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Sa ganitong paraan ko lang siya kayang protektahan." "Walang kasiguraduhan sa mundong ito. Ang lahat ay may salang itinatago." Sandali akong natahimik sa makabuluhang sinabi niya. Magtatanong pa sana ako sa kanya pero nagawa niyang buksan ang automatic lock ng pintuan ng kotse at dali-daling lumabas at tumakbo. Sa pagtingin ko sa dinaanan niya'y nawala na lang siya na parang isang bula. Sa pagbalik ko sa kotse ay nakita ko ang isang itim na notebook na naiwan ng ale. Agad ko iyong binuksan, sa unang pahina pa lang nalaman ko na kung ano ang laman ng libro. Journal iyon tungkol sa pag-aaral sa gagawing extraction kay Althea. May mga salita akong hindi maintindihan at isang tao lamang ang makakaintindi niyon at iyon ang si V. I dialed his number pero hindi siya sumasagot. Nagdesisyon akong bumalik ng ospital para kausapin siya nang personal. Hinarurot ko ang sasakyan sa daan para agad na makabalik sa ospital. Ang journal na iyon ang maaring may hawak ng sagot sa mga tanong ko tungkol sa kalusugan ni Althea. Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko, nag-ring ang cellphone ko at pangalan ni V ang nakarehistro roon. "Tumatawag ka?" bungad niya sa 'kin pagsagot ko. Pinindot ko ang speaker mode para hindi makaabala sa pagmamaneho ko ang tawag. "Nasa ospital ka pa ba? Pabalik na ako, may ipapakita ako sa 'yo." "Ah, sumaglit lang ako sa labas, may trabaho pa ako. Magkita na lang tayo sa parking." Isang salita ang nakita kong nakasulat sa libro, Post-traumatic amnesia. Alam kong pagkawala ng memorya ang pangunahing ibig sabihin ng mga iyon but I want to dig deeper. Gusto kong malaman ang dahilan at epekto niyon sa kanya. "Imposible namang hindi niya ako maalala 'di ba?" bulong ko sa sarili. Ang huling sayaw namin ang magpapatunay na naaalala niya ako. Suddenly I remembered her words, "I'm. . Althea. . Do I know you?" Kung hindi niya ako maalala, paano niya naisayaw ang routine namin? Bakit niya ako pinuntahan sa beranda? All these questions gave me a headache. Mabuti nalang malapit na ako sa ospital at papasok na sa parking lot. Sa hindi kalayuan, nakita ko si V, naroon siya sa parking spot kung saan niya madalas pinapark ang sasakyan niya. "Anong ipapakita mo kuya?" Aniya nang buksan ko ang pinto para lumabas. Hawak ako ang journal at hindi nagtagal ay ibinigay ko iyon sa kanya. "Extraction." Bulong niya habang binabasa at binubuklat ang mga pahina ng journal. "Ito ba yung sinasabi mo sa 'kin na ginawa nila kay Althea?" Tumango ako bilang sagot. "Tignan mo ito kuya." Lumapit siya sa 'kin at ipinakita ang nakasulat. "The imprint located at her lower back is connected to her tissues, nerves and bones up to her brains. Results of extraction can be the following; loss of blood, severe head trauma, frequent nausea, loss of eyesight, loss of memory." Natigil siya sa pagbasa dahil sa may kaguluhan ang pagkakasulat ng mga iyon. "Ano ung imprint?" aniya pa. "Iyon ang dahilan kung bakit ko siya dinala roon, may gutso silang makuha sa imprint na iyon. Alamin mo ang lahat nang nakasulat sa journal na iyan." utos ko kanya. "Okay. Pero hindi ngayon, naka-duty pa ako, pero pag-aaralan ko talaga ito." Ngayon bahagya nang nagkakalinaw ang mga nangyari, sa palagay ko ito na siguro ang tamang panahon para magpakita ako kay Sayer. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Sinamantala ba ni Sayer ang pagkawala ng memorya ni Althea?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD