Chapter 18

1615 Words
Matapos ang gabing hindi inaasahan, nagbalik ang ilang mga alaala. Cason ang pangalan na kusang ibinibigkas ng bibig ko sa tuwing magigising mula sa paulit-ulit na panaginip. Panibagong taon, panibagong buhay kasabay ang mga bagong alaala mula sa 'king nakaraan. Malakas ang kutob ko na ang taong si Cason ay naging parte ng buhay ko bago ang aksidente. "Babe, you're spacing out again." I was startled when Sayer hugged me from behind while I do the dishes we just used that evening. "Thinking of the same thing?" malungkot niyang wika. I faintly smiled as I run my damp hands to his arms around my torso. "Sorry babe, alam kong ayaw mong ganito ako but I can't let it off my mind." "I wish I know something about him. Kung sanang nakilala ko siya noon, may maisasagot sana ako sa mga tanong mo." He said before kissing me on the cheek. "It's not your fault babe, you've been a great help. Alam kong ginagawa mo naman lahat para makaalala ako. You even pay for my doctor and meds." Pinunasan ko ang basa ko kamay bago tumalikod at humarap sa kanya. "My past bothers me a lot, nakakaapekto pa nga 'to sa 'ting dalawa." I stared at his tired eyes as I lay my cold hands onto his cheeks. "Pero sabi mo nga, we will make new memories and that past won't even matter." Ngumiti si Sayer habang pinakikiramdaman ang malamig kong kamay sa kanyang mga pisngi. "I love you Althea. I'll do everything to make you happy." He lightly pulled my hands away from his face then kisses me passionately. I am very lucky to have a husband like him. Iniingatan niya ako at inaalagaan. Walang-wala akong reklamo sa pagmamahal na ipinapadama niya sa 'kin. Kaya minsan nakokonsensya na ako dahil sa pabalik-balik na alaala tungkol kay Cason. "I love you too, Sayer." I said. He took another kiss before finally stepping near the fridge to get cold water. Sa mga nakaraang araw palagi nalang siyang late kung umuwi. Halos hindi na siya nakakatulog nang maayos dahil maaga pa rin siyang pumapasok. "Mauna ka ng matulog babe, ililigpit ko nalang ito tapos susunod na ako." I went back to cleaning the dishes. "Sige babe. Don't forget to take your meds." I almost forgot again. My doctor prescribed medicine for me in attempt to bring back my old memories. Halos apat na buwan ko ng iniinom ang mga ito at sa palagay ko hindi ko sila hiyang, madalas kasi akong nahihilo dahil sa mga ito. But still, I have to take them, ayokong dagdagan ang alalahanin ng asawa ko. I came into our regular size room, masarap na ang tulog niya. Marahan akong pumanik sa kama at sinilip ang mukha niya. His glasses are still on, so I slowly took them and placed them on our side table. But as soon as I took my hand back, he moved towards me and locked me into his arms. I can feel the warmth of his arms around my body, perfect for this chilling season. Bahagya akong yumuko para halikan ang ulo niya. I can feel him smiled for his face is buried onto my chest. "Goodnight babe."   It was a long day, as always, but sleeping is a bit more distressing for me. And that is because of that same damn dream. I closed my eyes as I wrap my hands around Sayer. Ayokong humiwalay sa kanya dahil baka matuluyan ako sa bangungot na dinaranas ko. In my dream, I was running. Walang katapusang pagtakbo. Panay ang tingin sa paligid at takot na takot. No one was after me but still I was horrified. I halted to find myself standing at the very edge of a tall building. It was windy and it's hard to keep my balance. Gusto kong bumalik sa pinanggalinan ko pero nahuhulog na sahig at paliit nang paliit ang kinatatayuan ko. Eventually I fall just to land on to an hospital bed. Hearing those loud medical machines leaning closer to my body, piercing its way through my bones makes me want to die asleep. "Babe, Althea!" Sayer with all his strength woke me up. I'm glad he did because that nightmare almost killed me. I forced my eyes open, panting. Hinahabol pa rin ako ng bangungot na iyon pero hindi na ganoon ang takot ko marahil nasanay na ako. Hindi na ako umiiyak, hindi katulad nang simula. "Kailangan na kitang dalhin kay Doctor Jung bukas. Sa palagay ko, kailangan ng palitan ang gamot mo." Huwesyon ni Sayer. "Ako nalang mag-isa, tutal alam ko na rin naman ang bahay niya. May meeting ka bukas di 'ba?" Sabi ko matapos uminom ng tubig na nakahanda sa side table malapit sa 'kin. "Muntik ko ng makalimutan ang meeting. Pero gusto kitang samahan." His eyes were almost closed. Antok na antok na talaga siya. "Kaya ko na babe, magkita nalang tayo pagkatapos ng check up ko, okay ba 'yon?" I said in a soothing voice. I waited for his reply but it took too long. Sinilip ko ang mukha niya, his eyes were closed and he was snoozing off. Even if he was tired pinilit pa rin niyang gisingin ako. "What am I gonna do without you?"   Nagising ako ng maaga dahil kailangan kong ipaghanda ng almusal ang asawa ko. And besides maaga rin ang alis ko para sa follow up check up ko kay Doctor Jung. Nag-almusal kami sa beranda, maganda kasi ang umaga at tapat doon ang sinag ng araw. "Babe, I have to go. Marami pa kasi akong naiwan na trabaho sa opisina." Halos hindi man nakalahati ni Sayer ang pagkain niya. "Hindi mo na naman naubos." Simangot ko. Nakita kong gumuhit ng ngiti ang labi niya nang mapansin na nagtatampo ako. Tumayo ito at lumapit sa 'kin. "Hala, nagtatampo ba ang mahal ko?" Aniya nang niyakap ako. "Hindi naman, nag-aalala lang ako sa 'yo, baka magkasakit ka sa ginagawa mo." "Ang asawa ko talaga, sobrang maaalahanin. Babawi ako promise, patapos na mga trabaho ko. Kukuha ako ng bakasyon, aalis tayo." Aniya. I set my eyes on his, pinipigilan ko pang ngumiti dahil ayokong ipahalata na masaya ako sa balitang sinabi niya. Pero hindi rin ako nakaligtas dahil sa pagngiti niya'y sumabay ang labi ko. "Tawagan mo ako pagkatapos ng check up mo. Susunduin kita." He said before giving me a kiss goodbye. Bago mag alas-nuebe nakaalis na ako ng bahay. May kalayuan ang nilakad ko papuntang bus stop na magdadala sa 'kin sa suidad. Sa isang sikat at pang-mayaman na subdibisyon nakatira si Doctor Jung kaya naman kailangan bago ako pumunta roon ay alam na dapat ng security guard na darating ako, dahil kung hindi baka hindi nila ako papasukin doon. Malaki ang bahay niya kasama na rin kasi roon ang klinika niya. Inoferan ako ng security na ihatid ako sa bahay na pakay ko pero tumanggi na ako. Mas mainam naman ang ganito, madalang lang ako nakakapaglakad ng medyo malayo. Mabuti nalang at maaliwalas ang kalangitan, the clouds were blocking the harsh rays of sunlight. At sa tuwing lilitaw ang araw ay may mga puno naman lumilimlim sa daraan ko. As much as possible, iniiwasan ko ang araw na tumama sa mata ko. Naging sensitibo ang mga mata ko lalo na sa sobrang liwanag. Mukhang kailangan ko na ring ipatingin ang mga mata ko. Hindi nagtagal nakarating ako sa bahay na pupuntahan ko. Dumeretso ako sa pintuan ng klinika na kung saan sinalubong ako ng kanyang assistant na si nurse Nari. "Althea, kamusta ka na? Matagal-tagal na rin nung huli mong bisita rito ah." Galak niyang wika. "Oo nga e, medyo abala kasi sa trabaho ang asawa ko kailangan ko siyang asikasuhin." Sabi ko habang papasok sa loob. "Ah! Asawa... oo nga pala." May tila pag-aalinlangan sa tono ng kanyang pananalita kaya hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha niyang parang malalim ang iniisip. "Ha-halika na sa loob, kanina ka pa hinihintay ni Doc." As usual, she guided me through another door which leads to the doctor's office. Doctor Jung happily greeted me and made me sat comfortably on the seat for visiting patients. "Hindi kayo nakarating noong follow up check up ninyo? May naging problema ba?" aniya habang tinignan ang records ko. Sa pagkaka-alala ko ang check up ko dapat ay matapos ang Christmas night ball na dinaluhan namin. Ang kaso bigla nalang naging abala si Sayer sa trabaho kaya naman hindi na niya ako nadala sa klinika. "Wala naman ho, kinailangan ko lang gabayan yung asawa ko dahil masyadong maraming trabaho sa opisina. Pero..." Kinuha ko mula sa bag ko ang gamot na nireseta niya sa 'kin. "...madalas akong mahilo lalo na matapos kong inumin ang gamot na ito." Paliwanag ko sa kanya. "Hmmm... ganon ba? May bumalik na ba sa mga alaala mo?" seryoso niyang tanong. "Meron ho. Madalas akong managinip ngayon, mabangungot." Pagkaklaro ko. "Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang panaginip ko sa nakaraan ko." By seeing doctor Jung I can say that he is somehow not comfortable talking to me. Hindi man niya ako matignan sa mata, all that he looks at is the record he have on his hands. "Alam na ba ito ni Sayer?" He said peering at me. "Opo." Maiksi kong sagot. He looked at me and smiled a bit. It was uncomfortable, sana pala nagpasama nalang ako kay Sayer by the looks of it kasi silang dalawa naman talaga ang magkasundo. Sumilip sa pintuan ang nurse hawak ang isang cellphone. "Excuse me, Doc. May tawag ka, importante daw." Na-alerto ang doktor at agad na humingi ng paumanhin sa 'kin. Hinayaan ko na siyang sagutin ang tawag para makahinga na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD