Chapter 16

1683 Words
ALTHEA'S POV   Alas singko na ng hapon, malapit na ang alis namin. Masusi kong inayos ang sarili ko sa harapan ng vanity mirror sa kwarto. Maganda ang suot kong damit ngayon, ang sabi sa 'kin ni Sayer, mahal daw ang bili niya rito. Mahal, para raw sa mahal niya. Aattend kasi kami nang Christmas Night Ball na inorganisa ng kumpanya ng trabaho niya bilang realtor. Unang pasko niya iyon sa kumpanya at unang pasko namin bilang mag-asawa.          He bought me a floral lace dress crafted in the color of a pearl. It has a plunging V-neck, saucy long-sleeves and stretchy style which hugs my figure. While he wears blue suit and tie having a white rose on his pocket to match my white dress. "Babe, handa ka na ba?" Naramdaman kong paakyat na siya sa kwarto namin kaya naman tumayo na ko para agad niyang makita ang itsura ko. "Okay lang ba 'to babe?" sabi ko sa kanya habang ipinapakita ang kabuoan ng suot ko. Sandali siyang natigil at natulala sa katawan ko. "Babe naman e, panget ba?" Agad itong umiling. "Hindi." Saka ito lumapit sa 'kin. Kumapit si Sayer sa bewang ko at nilakad iyon sa likod ko. "Everything looks good on you, Althea." He pulled me closer and peck a kiss on my lip. "Sinasabi mo lang 'yan kasi ang asawa mo ko. Bolero!" Simula nang magising ako sa pagka-comatose, lahat na ata ng paglalambing ginawa niya. Uulitin daw niya kahit ilang beses pa ang panliligaw na ginagawa niya sa 'kin bago ang car accident ko. "Huwag na kaya tayong umalis." Aniya na magiliw na itinaas ang dalawa niyang kilay. Agad akong kumawala sa yakap niya. "Alam ko 'yang binabalak mo Mister Orquia." He followed me teasingly on every step I make. "Nag-ayos ng mabuti si Misis Orquia, hindi mo ba siya ipagmamalaki sa mga ka-trabaho mo?" He stopped and smile. "You're right." Lumapit siya sa 'kin habang binubulsa ang isang kamay and teasingly biting his lip. "But since you rejected me just now, I'm gonna be keeping you awake all night after the party." "Sayer, stop it." I can't help but to blush when he is like this. But deep inside I honestly think he is being cute and yet sexy. "Umalis na nga tayo. It's almost time for the party." Sakay ang company car na ipinagamit kay Sayer, binyahe namin ang daan patungo sa isang hotel isang oras mula sa bahay namin. Malayo kasi sa siudad ang nabiling bahay ni Sayer para sa 'min, iyon lang daw kasi ang kaya niya. Malaki naman ang bahay 'yun nga lang malayo. Bilang asawa kailangan kong intindihin ang mister ko habang hinihintay kong bumalik ang mga alala kong nawala kasama nang aksidente. Nakatingin lang ako sa labas ng binata nang maalala ko ang pinapahanap ko kay Sayer. "Babe, may balita ka na ba sa pamilya ko?" Ibinaling niya ang kanyang tingin sa 'kin. His sad eyes looked into mine. Alam ko na ang isasagot niya, wala pa rin siyang nahahanap. "Pasensya ka na babe, hindi kita minamadali. Alam kong ginagawa mo naman lahat, mahanap lang sila. Kaso lang kasi, napakarami ko pang tanong na sa palagay ko, sila lang ang makakasagot." He lifted his hand from the gear and reached for my hand. "Ginagawa ko ang lahat, Althea. Mahahanap din natin sila." Madiin niyang hinalikan ang kamay ko bago niya ito tuluyang binitawan. "For now, let's make new memories. . .together." He said delicately smiling. "Together." I agreed. I am very lucky to have a man like Sayer. He takes care of me even at times that I feel like I should be the one taking care of him. He loves me unconditionally. I can't thank him enough for it. But why am I like this? I feel empty. I feel lonely as if there is this big hole inside my heart. Baka dala lang ito ng pagkawala ng mga alaala ko. I tried so hard to keep up with everything that Sayer does. I became a wife without even remembering how exactly I became his. I gave my all to him; my mind, my body, my soul but not all of my heart. "Babe, we're here." Untag sa 'kin ni Sayer. Hindi ko alam, I was spacing out. "Are you okay?" He asked. "Yeah, I just felt a little dizzy." Marahil sa biglaan kong paglingon sa kanya. "Let's go." The place was grand and everyone was dazzling. This is the first time after a year of staying at home, na sinama ako ni Sayer. It felt uneasy, sobrang nakakailang na mapalibutan ng maraming tao. But Sayer's presence made me feel comfortable. "Mister Orquia!" Lumingon si Sayer sa taong tumawag ng pangalan niya. Nakita kong matandang babae ang tumawag sa kanya. "Ma'am, magandang gabi po." Pagbati ni Sayer. "You looked handsome as ever Mr. Orquia." Aniya, hindi nagtagal bumaling ang tingin niya sa 'kin. "And I assume, she if your wife?" She smiled at me as if she had known me. "Yes, this is Althea, isn't she beautiful?" They both looked at me and that made me blush a bit. "Magandang gabi po. Thank you for letting me come to your party." Nahihiya kong wika. "Marami ng naikwento itong si Sayer tungkol sa'yo. I'm sorry for what happen to you but I'll bet Sayer is doing everything to help you." Saglit akong tumingin kay Sayer bago ako sumagot sa boss niya. "Yes ma'am. Little by little I remember things from my past. At ang lahat ng iyon ay dahil sa asawa ko." I smiled at him before looking back to his boss. "Aww. Naalala ko tuloy ang kabataan ko. Well, anyway, Sayer ikaw na bahala sa asawa mo. I still have to meet everyone else." We kissed cheek to cheek as goodbye. I tried to smile as she walks away. Sumumpong na naman kasi ang pagkahilo ko. I grabbed a hold on Sayer's coat. "Babe, can I sit for a while?" Hindi ko man lang siya matignan sa mukha. Sa tuwing igagalaw ko kasi ang mata ko, nahihilo ako. "Okay ka lang ba?" Pag-alala niya. Inalalayan niya ako patungo sa mesa sa gilid, kung saan walang nakaupo. "Ikukuha kita ng tubig. Huwag kang aalis ha." I watched him walked away. Gusto kong makita kung saan siya pupunta. May takot kasi sa puso ko baka iiwan niya ako. But I can't nahihilo kasi talaga ako. Minasahe ko ang magkabilang sentido ko to ease the dizziness a little. I reached for my pouch bag at hinanap ko ang gamot na ibingay ng doktor ko. Dahil sa aksidente ko palaging nanlalabo ang mga mata ko dahilan ng pagkakahilo ko. I put the pill in my mouth. I lifted my head in search for Sayer nang bigla nalang may naglagay ng baso na may malamig na tubig sa mesa ko. Tumingin ako sa naglagay n'on ngunit magkakasunod na dumaan ang mga tao at hindi ko na nakita kung sino ang nagbigay n'on. Ilang minuto lang matapos kong inumin ang tubig at gamot paunti-unti nang humupa ang paglahilo ko. Tumunog ang mic at sa palagay ko mag-uumpisa na ang programa nila. Mabuti nalang at nawawala na ang pagkahilo ko. Sayer came back from fetching some water, nagulat pa nga siya na may tubig na ako sa lamesa. "Did you drink this?" Nag-iba ang tono ng pananalita niya maging ang itsura niya. Hindi ko maintindihan ang ikinagagalit niya. "Oo, ininom ko lang naman yung gamot ko. You know how bad it taste." Paliwanag ko sa kanya. But he kept on reminding me about people with bad intentions. I don't see his point. Sinubukan ko siyang lambingin at pakalmahain pero hindi natitinag ang galit niya. People are starting at us, kaya naman nagdesisyon akong ilayo nalang muna si Sayer sa lugar na iyon. I found the stairs which led us to the second floor of the building. Habang pahakbang ako at tila mabilisang lumiwanag ang paningin ko, making me see things I've never seen before. I tried blinking to bring my vision back. Hindi ko pinahalata kay Sayer ang nangyayari dahil baka makadagdag lamang iyon sa galit niya. "Pahupain mo muna 'yang galit mo." I said to him, habang hinahayaan ko siyang umupo. We stayed near a vent less fireplace, surrounded by book cases. Gusto ko ring magalit kay Sayer dahil hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang siyang nagalit dahil lang sa uminom ako ng tubig na hindi siya ang nagdala. Ngunit hindi ko maintindihan ang kilabot at lamig na dala sa 'kin ng paligid. I feel strange. As if I went here a long time ago. "Althea. ." Malungkot ang boses ni Sayer at dahil doon agad akong lumingon sa kanya. "I'm sorry I acted weird." Lumapit ako sa kanya and knelt to be able to face him. "Ano bang problema?" Inangat niya ang mukha niya at tinignan ako sa mata. His eyes were teary at alam kong siguradong may mali. "Wala. .I was just worried. I'm sorry." Niyakap niya ako. Naramdaman ko ang lungkot at bigat ng nararamdaman niya. For the first time, I saw him weak and worried. "Gusto mo na bang umuwi? I can make you your favorite, carbonara ala Althea?" Tinignan niya ako, and I saw him smiled at me. Kahit pa paano napatawa ko siya, that alone made me okay. "Althea, alam mong mahal kita di 'ba? But that carbonara almost killed me." We both laughed at that conversation making the air feel light again. Masaya ako na sa konting pagbibiro ko nagawa kong pasayahin siya ulit. "I think we better go back, baka hinahanap ka na ng boss mo." We both stood up pero sa pagtayo ni Sayer, hindi niya napansin na natamaan niya ang baso sa maliit na mesa na katabi ng inupuan niya. All of its content splash on my dress, mabuti nalang at tubig lang ang laman niyon. "Babe sorry." Aniya. Naghanap siya ng panyo sa kanyang bulsa pero wala siyang dala. "Hihingi lang ako ng tissue paper, wait for me here." Dali-dali siyang bumaba habang ako naman pinipilit na bawasan ang basa sa damit at paa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD