Chapter 14

1021 Words
Na-anggat ko ang isa kong kamay, naputol ko ata ang tali sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hinawakan ko ang kamay ng doktor sa tabi ko at kahit pa malabo pa rin ay tumingala ako at tinignan siya. Tila nakuha ko ang awa niya at itinigil niya ang pagtutok sa makina sa likod ko. "Bakit kayo tumigil? Anong ginagawa niyo!" sigaw ng kanilang boss. Hindi ko narinig na sumagot ang katabi kong doktor. Basta ang alam ko lang inilalayo niya ang aparato sa 'kin. Ang buong akala ko matatapos na ang kalbaryong dinaranas ko nang biglang magsalita ang lalaki sa kabilang banda ko. "May nasasagap ako!" Ibinaling ko ang ulo ko sa kanya. At sa pagkakakita ko, nakatingin siya sa laptop habang nakatutok ang scanner sa likod ko. "Huwag niyong titigilan! Kung ayaw niyong mamatay dito rin mismo!" Now, for sure I know, they're trapped just like me. Doing this thing because of a mad man. Huwag nalang sana silang mapahamak sa oras na wala silang makuha mula sa 'kin. "Anong ginagawa mo rito?" I heard Bang's voice na para bang galit at nagulat ito. "Ibabalik ko ang pera mo, dodoblehin ko pa kung gusto mo, pakawalan mo lang siya." Wika ng isang lalaki, his voice is familiar. Parang si Cason. "Wala ka nang babalikan dito, Cason, hindi ko siya ibibigay sa 'yo." Tumawa nang malakas ang matanda. "Well, I guess I have to take her forcefully." Pagkasa ng baril ang sumunod kong narinig. Natigil maging ang mga umaasikaso sa 'kin. Wala akong nakikita sa nangyayari pero rinig ko naman na nag-aaway sila't nagsusuntukan. May mga nababasag na salamin at nasisirang gamit. But then one gun shot made my heart stop. Sinubukan kong tignan ang nangyayari. I desperately want to know what was happening. Sa gilid ng mata ko, I saw a big man, whom I believe was Lee, pinipigilan niya ang isang lalaki na tila hawak niya sa leeg. Is that, Cason? I lost the only spark of hope I had left inside my heart. My Cason, the only person I know that can save me is also captured, just like me. Talo na ako, kailangan ko nalang tanggapin ang lahat. A tear fell on my cheek again and I think this would be my last tear. "Gagawa ako ng ibang paraan para makuha ang codes ng gusto niyo, ibibigay ko iyon sa 'yo. Hindi niya kailangang masaktan ng ganyan." It's nice to hear his voice again. Please, talk more. I want to hear your voice even just for this last time. Did he just say codes? He knows about it too? Mali rin pala siya ng akala. I don't have that damn codes! "Ayaw mo siyang masaktan?" Galit na tanong ni Bang. "Matagal na kitang kilala Cason, ngayon ka lang naging ganito. Huwag mong sabihing. . ." He stopped. Then there it was, the silence I feared. Takot ako na baka masaktan si Cason. Ayokong mapahamak siya nang dahil sa 'kin. Muli kong sinubukang tanggalin ang tali sa kamay ko. This time I succeeded. Sunod kong tinanggal ang tali sa katawan ko. Hindi na ako napigilan pa ng doktor at nurse sa tabi ko dahil nagtatago sila sa ilalim ng operating table. "CASON!" With all my strength I called out his name. Bumaling ng tingin sa akin ang dalawang magkausap mula sa ikalawang palapag. Salamin lamang ang nagsisilbing dingding kaya naman kitang-kita nila kung saan ako naroroon at ganoon din ako sa kanila. "ALTHEA!" Kahit malayo ay naaninag ko si Cason, hawak siya ng isang lalaki at sa harapan niya may nakatutok na baril at hawak naman iyon ni Director Bang. Sinubukan kong tumayo at dahil walang pumigil sa 'kin ay nakita ko ang duguan na higaan ko. Puno ng dugo ang pinasuot na shorts sa 'kin at lab gown. Tama nga ang hinala ko, ang lower back ko ang puntirya nila. "Ano pang ginagawa ninyo? Ituloy niyo ang extraction!" Nanggagalaiting utos ni Director Bang sa doktor na nagtatago sa ilalim ng higaan ko. "Pasensya ka na, kailangan namin gawin ito, hawak nila ang pamilya namin." Ika ng nurse na marahas akong ibinalik sa pagkakahiga at muling itinali. "Huwag! Cason! Tumakas ka na! Please, save yourself." I cried as I let them tied me again. Agad na ibinalik ng doktor ang mainit na makina at sumusunog sa balat ko. Para akong binabalataan ng buhay at tinutusok ang buto ko para mabutas. Walang humpay ang pagwawala ko at pagpupumilit na makawala sa lugar na iyon. Crying and begging did not help me. The pain felt like was just a part of my being. Halos hindi ko na maramdaman ang apoy na kumakain sa balat at laman ko. "Boss! Ang codes!" Sigaw ng lalaki na tumitingin scanner na nakatutok sa lower back ko. "Na-detect na ng system!" "i-full speed niyo ang makina." Utos ni Director Bang. "Huwag! Althea! Walang hiya ka Bang!" Pagwawala ni Cason. "Ako? Walang hiya? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nagdala sa kanya sa sitwasyon na iyan." His words were loud and clear coming from the speaker. Cason brought me here? "Kung alam ko lang na sasaktan niyo siya, ako na sana mismo ang naglayo sa kanya mula sa 'yo!" "Ano ba sa palagay mo ang gagawin namin sa kanya? Makiki-usap?" Director Bang laughed. "Well, since you are here already, bakit hindi mo muna namnamin makita si Althea? Look!" Hindi ko na nagawang bumabaling pa sa lugar ni Cason. Lantang-lanta na ang katawan ko na hindi ko na talaga kayang gumalaw. I heard a new machine coming towards me, panibagong sakit na naman. Halos mabingi ako nang lumakas ang langitngit ng makina. Malayo palang iyon sa katawan ko pero parang ang lapit lang dahil sa labis na init na pinakakawalan nito. "Dok, maawa ka sa 'kin.." Pero hindi na ako pinakinggan ng doktor sa pagkakataong iyon, bagkus ay tinakpan pa niya ang ulo ko ng puting tela. Marahil ito na ang katapusan ko, mamamatay ako ng wala man lang matinong nagagawa sa buhay ko. Walang narating, walang maipagmamalaki. "Cason~" I silently cried. I want to see him, I want to feel his arms around me. "Please, save me~"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD