Chapter 43

1379 Words
Napakaliwanag. Bumubulag sa nakapikit kong mga mata. Sinubukan kong buksan ngunit bigo ako. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko na para bang wala akong lakas para itaas man kahit isang daliri lang.   Nasaan ba ako?   Tanging katahimikan lang ang naririnig ko. Wala ng iba.   Hindi ako sigurado kung tapos na ba ang extraction. Katulad ng sinabi ni Trent. Wala akong maramdaman. Tama nga ba siya na pinuprotektahan ako ng anak ko?   Siguro nga.   Kusang tumulo ang luha sa gilid ng mukha ko. Hindi ko mapigilang isipin na kaya wala akong nararamdamang sakit ay ang anak ko ang sumasalo sa lahat.   Ano bang naging kasalanan ko bakit dinaranas ko ito?   Gusto ko lang namang maging masaya.   Hindi na mahalaga sa akin ngayon kung ano ang nakaraan ko. Handa na akong tanggapin iyon at taas noong harapin ang kasalukuyan at hinaharap.   Wala man si Sayer sa tabi ko ay alam kong hindi pa rin niya ako pababayaan. Hindi niya kami pababayaan ng magiging anak namin.   "Dok! Kumukumbulson na naman ang pasyente! Ilang beses na siyang ganito! Mamamatay siya!"   Malakas na tinig ang narinig ko na tila ba gumising sa diwa ko.   Nawala ang liwanag at bumalik ako sa lugar kung saan ako naroroon.   "Huwag n'yong titigilan ang extraction!"   Walang awa si Trent. Pati inosenteng bata ay hindi niya pinalampas makuha lang ang gusto niya.   Kung kaya ko lang tumayo at magwawala ako. Tatakbo paalis sa lugar na ito. Lalanguyin ko ang dagat makaalis lang sa puder niya at mailigtas ang anak ko.   Wala na si Sayer sa buhay ko. Hindi dapat ako pumayag na maging ang anak namin ay mawala nang dahil lang sa kasakiman niya!   "Gumising ka! Labanan mo!" Niyugyog ng nurse ang katawan ko dahilan para buksan ko ang mga mata ko.   Wala akong lakas para man lang matignan siya. Bahagya siyang yumuko para bumulong sa akin.   "May nilagay akong gamot sa 'yo. Bibigyan ka niyon ng lakas kahit pa paano. Susugod ako kay Trent at sa oras na `yon ay tumakas ka."   Nakita ko sa mga mata niya ang takot at awa para sa akin. Pinilit kong itaas ang kamay ko para mahigpit na hawakan ang mangas ng uniporme niya.   Ngumiti siya. Wala man akong nasabi ay alam kong alam niya nagpapasalamat ako.   Tumingin siya sa doktor at bahagyang tumango. Sa pagkakataong iyon ay maging ang doktor ay bumulong sa akin.   "Iparating mo sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila."   Nadurog ang puso ko sa narinig ko. Nakita kong lumuha ang doktor at nurse. Maging ako ay napaluha nang malaman ko ang ginagawa nila. Nagsasakripisyo ang dalawa para makatakas ako.   "Anong ginagawa n'yo? Madaliin n'yo ang extraction!" Muling sigaw ni Trent.   Maayos na tumindig ang dalawa kong kasama. Tinulungan ako ng nurse na makaupo na ikinagulat at galit lalo ni Trent.   "Para lang sa pera kaya mong pumatay ng tao. Demonyo ka!" Walang anu ano'y mabilis na tumakbo ang nurse para sugurin si Trent.   Sa gulat ay hindi agad naka aksyon ang dalawang guards na kasama nito.   "Tumakas ka na!" Lumundag ang doktor para pigilin ang dalawang body guards ni Trent.   Magkakasunod na suntok at sipa ang ginawa nito upang napigilan ang pagbunot ng baril ng mga ito.   Nanginig ang mga paa ko nang subukan kong igalaw ang mga iyon. Maaaring nasa katawan ko na ang gamot pero mukhang hindi pa iyon lubusang dumadaloy sa mga paa ko.   Pero tiniis ko. Hindi ko maaaring sayangin ang pagkakataon at sakripisyo ng doktor at nurse para sa akin.   Sa unang dalawang hakbang ay nawalan ako ng balanse. Parang lantang gulay ang mga paa ko. Pero hindi ako nawalan ng pag asa. Muli akong tumayo at humawak sa kahit na anong madaanan ko para magpatuloy.   Hindi ko magawang lingunin ang pagpigil na ginagawa nila. Tuon ang atensyon ko sa elevator na siyang tangging daan ko para makatakas sa lugar.   Ngunit magkakasunod na putok na baril ang umalingawngaw mula sa likuran ko.   "Subukan mong ihakbang ang paa mo at bubulwak ang dugo mula sa katawan mo."   Napapikit ako sa takot nang marinig ko si Trent.   "Hindi ka agad mamatay at may oras pa para matapos ang extraction."   Dahan dahan akong bumaling ng tingin sa kanya. Takot man ang namamayani sa dibdib ko ay nilakasan ko ang loob ko.   Ako lang ang maaasahan ng anak ko para iligtas siya.   Hindi ko nagawang mailigtas si Sayer. Hindi ako papayag na hindi ko maililigtas maging ang anak namin.   "Buntis ako, Trent. Maawa ka sa bata. Wala siyang kasalanan dito."   "Wala akong pakialam! Ang codes ang tanging kailangan ko!"   "Alam ko! Hindi ako tatakas. Katulad ng kasunduan natin. Ibibigay ko ang codes sa 'yo. Itutuloy ko ang extraction kahit pa mamatay ako! Huwag lang ngayon, Trent. Nagmamakaawa ako. Hayaan mo munang makapanganak ako."   Humalakhak si Trent. Sa likod niya ay nakikita ko ang duguang katawan ng nurse at doktor.   "Hindi na ako makakapaghintay pa, Althea. Taon na ang hinintay ko para makuha ang codes. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na narito ka na."   Halos lumuhod ako para magmakaawa sa kanya. "Trent, nagmamakaawa ako. Kung gusto mo kahit dumito na lang ako. Buhayin mo kahit ang anak ko lang. Hindi ako magrereklamo kahit anong sakit pa ang extraction. Hayaan mo lang mabuhay ang anak ko!"   Umiling si Trent. "Bumalik ka rito. Ako na mismo ang tatapos sa extraction!"   Kinasa niya ang hawak niyang baril.   Hindi ako kumibo. Alam kong ikakagalit niya iyon.   Halos mapalundag ako nang magpaputok siya sa gilid ng paa ko.   "Lumakad ka na!"   Dala ng labis na takot ay hinakbang ko ang paa ko sabay sa walang tigil na pagbuhos ng mga luha ko.   "Althea, huwag kang sumundo sa kanya!"   Para akong nananaginip nang makarinig ako ang boses mula sa likuran ko.   Agad akong lumingon sa bumubukas na elevator door. Si Cason ang lulan niyon na nakatutok na ang baril at handa ng iputok iyon kay Trent.   "Isang maling galaw, Trent. Tatama ang bala ko sa noo mo," babala niya habang marahang naglalakad patungo sa akin.   Para akong nakakita ng liwanag ng pag asa nang makita ko si Cason.   Parang katulad noon, sumubok rin si Cason na tulungan ako at pigilan ang extraction.   "Hindi ko inaasan ang pagbisita mo, Cason. Wala ka na ring magagawa dahil nasa eighty percent na ang extraction at tuloy pa rin hanggat narito si Althea."   "Demonyo kang talaga, Trent. Nagdadalang tao siya! Parehong mo silang pinapatay!'   Ngumisi si Trent. "Alam mong buntis siya? Hayaan mo akong magtanong. Anong nararamdaman mo sa pagtataksil na ginawa ni Althea sa 'yo?"   Nakita kong nanigas ang katawan ni Cason. "Malinaw naman siguro sa 'yo na si Sayer ang ama ng dinadala niya 'di ba? Masakit ba? Masakit ba na malaman na niloko ka ng kaibigan mo at pinagtaksilan ka ng mahal mo?"   Bahagyang bumaba ang pagkakahawak ni Cason sa baril niya.   "Akala ko pa naman magaling ka. Nag research ka nalang din hindi mo pa ginalingan!" Muling tumindig si Cason at mariin na itinutok ang hawak niyang baril kay Trent na mukhang hindi inaasahan ang naging reaksyon ng kaharao niya.   "Pinili kong lumayo dahil malaki ang kasalanan ko kay Althea! Hindi ko hawak ang desisyon niya at kahit ano pa man ang nangyari ay ang mahalaga sa akin ay masaya siya! Mahal ko si Althea pero hindi ako ang karapat dapat para sa kanya!"   Sandaling natigilan si Trent ngunit agad rin siyang tumawa nang malakas.   "Martir ka pa, Cason. Walang lugar ang tulad mo sa teritoryo ko!"   Magkakasunod na putok bg baril ang pinakawalan ni Trent. Napaupo ako, hawak hawak ang ulo ko.   Tumusok ang sakit sa tiyan ko sa biglaan kong paggalaw. Hindi ko iyon pinansin. Sumilip ako dahil sa pag aalala ko kay Cason.   Nagawa ni Cason na maiwasan ang mga bala mula sa baril ni Trent. Nakatago siya at maging siya ay sinagot ang mga pag atake ni Trent.   "Althea! Sumakay ka na sa elevator! Ako na ang bahala kay Trent! May nurse na sadalubong sa 'yo sa taas!"   Hindi na ako binigyan ni Cason ng pagkakataon para makapagsalita pa. Tumayo siya mula sa pinagtataguan niya at mabilis na tumakbo sabay sa magkakasunod na pagputok ng baril.   Tumayo ako at mabilis na hinakbang ang mga paa ko patungo sa elevator. Noon ko lamang naramdaman ang mabilis na pagtulo ng dugo sa pagitan ng mga hita ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD