Chapter 29

1364 Words
Hawak ng dalawang lalake si Sayer habang pilit siyang nagpupumiglas. Hindi ko mabasa ang iniisip ni Trent at kinakabahan naman ako para kay Sayer. Ano bang iniisip niya't bigla nalang siyang sumugod nang ganon? "Kayo na bahala sa kanya, susunduin ko pa ang magpapayaman sa 'kin." Malakas na pagsigaw lang ang nagawa ni Sayer na hindi nagtagal ay natigil din dahil sa mga sunod-sunod na paghampas ng mga malalaking kamao ng mga kasamahan ni Trent na direktang ipinapatama sa ulo niya. Kailangan ko na siyang tulungan, ngunit paglingon ko'y apat pa ang nakabuntot kay Trent habang papasok siya ng gate. Kailangan kong makaisip ng panibagong diskarte na kung saan matutulungan ko si Sayer, maitatakas ko si Althea nang walang nasasaktan sa 'min. Pero wala, walang pumapasok na diskarte sa utak kong nangangalawang na ata sa mga ganitong sitwasyon. Duguan na ang ulo ni Sayer at halos hindi na siya makatayo dahil sa sunod-sunod na suntok na dinagdagan pa ng sipa. Mamamatay si Sayer kung hindi ko pa siya tutulungan. Bahala na! Huminga ako ng malalim at dumilang nang isa hanggang lima, paghahanda para sa pagsugod sa kalaban. Ngunit isang boses ang narinig ko sa hindi kalayuan. "Sayer!" Parang tumigil ang puso ko nang marinig ko ang boses niya, pakiramdam ko ang lapit lang niya sa 'kin. Kailangan ko siyang makita, kailangan ko siyang mailigtas. "Althea! Hu-huwag kang lu-lumabas." Ani Sayer kahit pa hirap sa pagsasalita dahil sa bugong bumubulwak mula sa bibig niya. Nakita ko iyong pagkakataon upang makalipat ng pwesto na kung saan mas malapit ako sa kanila at makikita ko ang mga paggalaw ng kalaban. Hinayaan na si Sayer na malukmok sa sahig at tigilan na rin ang pagpapaulan sa kanya ng suntok at sipa. Habang si Althea naman ay hawak na ni Trent. Matigas din talaga ang ulo ng babaeng ito! Sabi na nga huwag lalabas e! "Anong ginawa niyo sa asawa ko!" "Althea, tu-tumakas ka n-na." "At talagang ngayon pa kayo naglambingan!" Rinig ko sa boses ni Trent ang galit. "Sige! Umalis ka na! Iligtas mo na ang sarili mo!" Sigaw ni Trent. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko kaya naman sumilip ako. Totoo ngang binitawan ni Trent si Althea. Sa sobrang gigil ko, kamuntikan ko na siyang sigawan na tumakbo na palayo. Pero sunod-sunod na nagkasa ng baril ang mga tauhan ni Trent ang narinig ko. "Pero mamamatay siya." Anak ng! Sinasabi ko na nga ba! Hindi basta-basta patatakasin ni Trent si Althea. "Huwag, huwag, huwag!" Pagmamakaawa ni Althea. "Sasama ako sa 'yo. Huwag niyo siyang sasaktan." Atat na atat na akong sumugod, kung hindi lang sa mga baril nila naka-atake na dapat ako. Hindi sapat ang bala ko para sa kanilang lahat, at kung aatake ako ngayon tiyak gagawin lang nilang panangga si Althea. "Huh? 'yon lang? Akala ko pa naman may magandang palabas akong makikita ngayon." Dismayado ang boses ni Trent kaya naman tumingin ako ulit sa kanila. Lumapit siya kay Althea, nababahala ako pero alam kong hindi niya sasaktan ang taong sinasabi niyang magpapayaman sa kanya. "Niloko ka ng gagong 'yan! It was all lies!" Hindi na ako nagulat na may alam siya tungkol sa buhay ng dalawa, sa palagay ko matagal na niya silang minamanmanan. "You've lost your memories Althea, at pinalitan niya iyon ng mga kasinungalingan na pabor sa kanya." May kalayuan man sila pero hindi makakatakas sa 'kin ang nakakabastos na pagtingin niya sa katawan ni Althea. Mahigpit akong napahawak sa baril, subukan lang niyang hawakan ang Althea ko! "No wonder he lied.." tumigil siya at tumingin kay Althea, pero ilang saglit lang bumaling naman siya kay Sayer. "Desperate man do desperate things, to easily get the girl in between the sheets. . Damn! That was a good line, isn't it?" Tumango-tango ang mga body guards niya na ikinatuwa niya, kulang nalang pumalakpak pa sila. Hirap man pero pinilit na tumayo ni Sayer, hindi na siya pinigilan dahil malabo naman na makapaglaban pa siya. "Well Sayer," Lumapit si Trent kay Althea, sobrang lapit na kitang-kita ko ang bahagyang pag-atras ni Althea. "kung ako ang nasa sitwasyon mo noon, I would gladly do the same." He lifted his hand and touches Althea chin. Iba na 'tong ginagawa niya, hindi na ako pwedeng manood nalang dito! "TRENT AVALOS!" Sa pagtayo ko, si Sayer agad ang nakita ko. Pinilit niyang makalakad na unti-unting bumibilis. Hindi ko maisip na sa estado niyang iyon nagagawa pa niyang makatayo. "Saktan mo na ako, patayin mo pa kung gusto mo. Huwag lang si Althea!" Hindi na ako makabalik sa pinagtataguan ko dahil namataan na ako ng ilan sa mga body guards ni Trent, pero na kay Sayer ang atensyon nila. Papasugod na si Sayer nang bigla nalang sumigaw si Althea. Hanggang sa isang putok ng baril na may silencer ang nasagap ng tenga ko. Matapos iyon ay nakita ko nalangna unti-unti nang bumabagsak si Sayer sa sahig. Walang silencer ang mga baril na hawak ng mga body guards kaya naman isa lang ang naiisip ko na may gawa ng pamamaril. "Sayer!" Halos mapaupo si Althea sa sahig sa nakikita pero hawak-hawak siya ni Trent sa balikat. "Anong ginawa mo? Bakit mo siya binaril? Ano bang kasalanan namin sa 'yo?" Sunod-sunod niyang tanong sa pagitan ng bawak hikbi. "Sabi niya patayin ko siya e." Hindi ito maganda, kailangan kong umatras dahil kung hindi baka matulad ako kay Sayer. Abala ang lahat sa pakikinig sa pag-uusap ni Althea at Trent kaya naman dahan-dahan akong umatras para makatakas. "Hindi niyo naman sinabi, may bisita pala tayo." Alam kong ako ang tinutukoy ni Trent kaya imbes na tumigil ay tinakbo ko nang mabilis ang daan patungo sa pader na nauna ko nang nadaanan, habang sa likod ko'y inuumpisahan na itutok ang mga baril nila sa 'kin. "Huwag na!" Pagpigil ni Trent sa kanila. "Hindi siya importate, wala siyang role sa eksena. And besides, I need to make the lady comfortable." Lakas loob akong sumilip para makita ko ang nangyayari. Tulala si Althea at halos wala na akong makitang emosyon sa mukha niya. Ni hindi man niya ginawang tingnan si Sayer nang daanan siya nito bago pumasok sa itim na kotse. Sa pag-alis ng tatlong kotse, agad kong tinungo si Sayer upang tignan kung buhay pa siya. Mabuti nalang at may pulso pa siya nang malapitan ko. Wala na akong sinayang na oras at agad ko siyang binuhat at dinala sa kotse, kailangan ko siyang madala kay doctor Jung. Sa dibdib ang tagas ng dugong mabilis na lumalabas mula sa katawan niya. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ba binalikan ko pa siya. Galit ako sa kanya dahil niloko niya si Althea at pinaniwala na mag asawa sila. At dahil doon kayang-kaya ko siyang saktan pero hindi patayin. Sayang ang talento ng gagong ito kung mamatay lang siya. As I drive my way back to doctor Jung's house, I saw a bit of movement from Sayer. Mabuti nalang at gumalaw siya ang akala ko kasi patay na kasama ko. Binuksan niya ang mata niya na tila ba nagtataka kung nasaan siya. Pero imbes na magtanong, ang sakit ng Sayert niya ang una niyang naramdaman. "Huwag ka ngang gumalaw diyan, baka magkalat kapa dito sa kotse." Untag ko sa kanya. Kahit pa mabilis akong nagmamaneho, kitang-kita ko pa rin ang kausap ko. "May highway pala sa langit?" Kamuntikan na akong mapa-preno sa sinabi niya. "'Di ka pa patay Sayer." "Ah! Alam ko na, hallucination lang ito, ang totoo niyan nasa ospital na ako at nakikita lang kita dahil sa gamot. Buti nalang." Nakuha pa talaga niyang mag-imagine sa sitwasyon niya. "Tutuluyan talaga kita kapag hindi ka pa tumigil." Nagpipigil nalang talaga ako ng galit, kung wala lang tama ng baril ito malamang nakatikim na ng suntok sa 'kin 'to. "Patay ka na Cason." Hindi ko kinakaya 'tong lalaking 'to. Bahagya kong sinuntok ang kabilang dibdib niya kung saan walang Sayert pero alam kong mararamdaman din niya ang sakit. "s**t. s**t. s**t!" "Ibababa kita kapag hindi kapa tumahimik." Mukhang natakot naman siya sa sinabi ko at tumahimik naman ang gago. "Marami tayong dapat pag-usapan pero mas kailangan nating unahin ang pagliligtas kay Althea. Hawak siya ni Trent, kailangang mong magpagaling at kailangan mo rin silang matunton."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD