Chapter 11

1006 Words
"Take it. Ito ang kapalit ng babaeng dinala mo sa 'kin." Aniya pushing the brief case a little to my view. Binukasan ko ito at bumungad sa akin ang limpak na salaping tinrabaho ko. At times like this, I should've stood up and left off. But I'm not doing anything. I kept on staring at the case, thinking nothing. Bumalik lang ako sa realidad nang tumawa si Director Bang. "Your job is done. Kami na ang bahala sa kanya." I look up to him and stared at his lying eyes. "I won't hurt her. She is so precious to me." He said, maybe he noticed my hesitation. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsisinungaling. You can never lie to someone who is liar all his life. I made a sound with my tongue to express my disapproval. "Kulang ito." I said pushing the case back to him. Director smiled but I know he is pissed. "I guess everything I heard about you is true. Magkano pa ba kailangan mo, Cason?" "Sampung milyon." I answered briefly. Sumenyas ito sa kanyang kanang kamay na hindi nagtagal ay pumasok sa isa sa mga silid na malapit lang sa 'min. Sa pagbalik niya dala niya ang dalawa pang attache case na sigurado ako, pera ang laman. Lee threw both of them onto the table. "You better go now Cason, malapit ng maubos ang pasensya ko. We have an important thing to do." Ramdam ko ang inis ni Director Bang and I know staying won't do any good. I left the building having three brief cases with me. I am now richer than before. But as I drove my way back along the highway, hindi ko maalis sa isip ko si Althea. Never in my life na naiisip ko pa rin ang 'package' kahit tapos ko na ang trabaho. I turned on the radio to ease my mind. Pero ang kanta namin ang pinapatugtog sa radyo. I had to stop. Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ko alam kung ano ito, but I feel like the song has something to do about it. Kaya naman agad ko iyong pinatay. But my fast beating heart won't stop. Why am I like this? All my thoughts stopped when my phone rang. Tumatawag na naman si Sayer, itinapon ko na nga ang phone ko na nauna na niyang tinawagan pero nahanap pa rin niya ang bagong phone number na gamit ko. "Stop calling me, Sayer, na-deliver ko na ang package." “Package? Siraulo ka! Package lang ang tingin mo kay Althea? Gago!” Kinailangan kong ilayo ang cellphone sa tainga ko dahil sa nakabibinging sigaw ni Sayer. Alam kong wala akong magagawa para kumalma siya kaya nagdesisyon akong itigil nalang ang usapan. Pipindutin ko na sana ang end call. But then his words stopped me. “Ikakamatay niya ang extraction!” I felt my heart stopped that I couldn't utter a word. Sinubukan kong magsalita pero iniwan ako na awang ang bibig na tila ba isang estatwa. Knowing Sayer alam kong reliable ang ibestigasyon na ginagawa niya at totoo ang mga resources niya. "Kung ayaw mong iligtas si Althea. Ibigay mo nalang ang address kung saan mo siya dinala." Seryoso at kalmadong wika ni Sayer. I didn't answer his question, I can't and I won't give him what he wants. Binitawan ko ang cellphone ko at nilagay iyon sa passenger seat. I opened my car monitor na nasa bandang harapan ko lang. Liban sa ang monitor na iyon ay para sa pag-monitor ng pag-urong ng sasakyan, kinonekta ko rin iyon sa personal system na gawa ko. As I pushed the invisible icon, the monitor shows my logo – initials of my name. Agad-agad kong binuksan ang software kung saan makikita ko ang location ng chip detector na sinadya kong nilagay sa coat na iniwan ko kay Althea. The moment I let her wore my coat, it already had that chip. I left it because of instincts, nagduda ako. Hindi nagtagal at na detect na ang chip, it was still there and not moving. I click on a few tab to gain access on its earpiece so I could hear the surroundings. But all I can hear is mere silence. Naghintay pa ako at nagbakasakaling may ingay ngunit kahit simpleng paggalaw man ay wala akong narinig. Inilapit ko pa ang tainga ko sa monitor para makasigurado. Nang biglang may ingay akong narinig ngunit hindi galing sa monitor kung 'di galing sa cellphone ko. "Sayer, stop talking. Gawin mo lahat nang gusto mong gawin. Wala na akong pakialam pa sa inyo."I ended the call. I lost my patience. Maging ang pakikinig sa monitor ay tinigilan ko. Doing this kind of thing is not me. I should not care for she is just a package. Just a fvcking package! Muli akong nagmaneho sa maluwang na highway. Pinihit ko nang maigi ang gas para mas bumilis pa ang takbo ng kotse ko. Seeing the trees flashes like speed of light from my hindsight makes my heart beat back to the way it was. Tahimik ang biyahe ko na umabot na sa halos sampung minuto, ngunit nagulat ako nang bigla nalang may sumigaw sa loob ng sasakyan ko. It startled me that I almost lost control on the wheel. Matapos ang malakas na tunog na gawa ng gulong dahil sa marahas na pagpreno, muli kong hinintay ang nakabibinging sigaw. Alam ko kay Althea ang boses na iyon pero kailangan ko munang makasigurado. I kept still as I waited for her voice again that I could almost hear my pulse beating rapidly. Tila binuhusan ako ng malaming na tubig nang muli kong narinig ang nakapangingilabot niyang sigaw. I know for certain that was a scream of pain. Muli kong pinihit ang manibela at ibinalik sa highway na iniwan ko na. Namawis ako nang malamig mula ulo at maging sa katawan. I have to see her. I want to see her. I want to take her back and the take the pain away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD