Chapter 52

1503 Words
Nagising ako na nasa pribadong silid na ako ng ospital. Hindi naman mahirap malaman na nasa ospital ako dahil sa mga aparatong naka dikit sa katawan ko.   Lumapit sa akin si Doctor Jung kasama si Nurse Nari.   "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doktor.   Bahagya akong umubo dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakapag salita dahil sa panunuyo ng lalamunan ko.   "Nanghihina pa pero wala namang masakit."   Hinawakan ni Nurse Nari ang mga kamay ko. Nakita kong luhaan ang mga mata niya. Naalala ko na siya ang nagbigay ng sulat sa akin bilang babala sa mga nakaraan ko.   "Patawarin mo ako Miss Althea. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari."   Bahagya akong umiling. "Ginusto ko rin namang malaman ang nakaraan ko Nurse Nari. Desisyon ko ang dahilan kung bakit nangyari ito. Wala kang dapat ihingi ng tawad."   Muli akong bumaling ng tingin sa doktor. "Dok." Hindi ko magawang matanong ang nasa isip ko. Tila ba nakita niya ang pag aalala ko at ang dahilan ko kung bakit ako ganoon.   "Mabuti na ang kalagayan ninyo ng baby mo. Maswerte tayong malakas ang kapit niya." Ngumiti siya.   Maging ako ay napangiti ngunit hindi lubusan. Naiwan sa isla si Sayer kasama si Cason.   "Si Sayer? Nasaan siya? Nasaan sila ni Cason?" sunod sunod kong tanong.   "Huwag kang mag alala Miss Althea. Nakarating na rin dito sina Sir Sayer at Sir Cason. Kasalukuyang nasa operating room--"   "Nurse Nari." Pinigilan siya ng doktor na magsalita.   "A-anong nangyayari? Sino ang nasa operating room?"   Nagtinginan ang dalawa. Hindi ko makayanan ang mga naiisip ko.   "Please, Doc sabihin mo. Napahamak ba ang asawa ko?"   Nagbuntong hininga si Doctor Jung. "Mayroon natamong sugat si Sayer noon. Mga tama ng baril na hindi ko na inalam pa kung paano niya nakuha. Hindi pa lubusang gumagaling ang mga iyon at nagkaroon ng muling trauma dahil sa nangyari ngayon."   Mapaluha ako. Alam kong si Trent ang may gawa sa mga iyon. Hindi ko mapigilang magbuhos ng mga luha.   "Huminahon ka, Althea. Magagaling ang mga kasamahan kong doktor rito. Maililigtas nila si Sayer."   Tumango ako at pinilit na pakalmahin ang sarili ko. "Si Cason? Ligtas ba siya?"   Tumango si Doctor Jung. "Out of danger na siya kahit pa may tama rin ng bala. Kasalukuyan siyang ginagamit sa emergency room."   Kahit pa paano ay gumaan ang loob ko. Hindi man sapat ay kampante na akong malaman na narito na rin silang dalawa sa kaparehong ospital kung nasaan ako. Madali ko lang silang mapupuntahan.   Tumayo ako na agad pinigilan ni Nurse Nari. "Miss Althea kailangan mong magpahinga at magpagaling."   "Kailangan kong makita ang asawa ko. Gusto ko siyang makausap. Kailan matatapos ang operasyon? Kailan ko makakasama si Sayer?"   "On going pa ang operation niya. Maaaring matapos na iyon matapos ang tatlongpung minuto pa. Maghintay ka na lang muna rito. Agad ka naming sasabihan kapag tapos na."   "Tama si Doc, Miss Althea. Hindi makakabuti sa kalagayan mo kung maglalakad lakad ka. Kailangan mo pang magpalakas."   Alam kong kailangan ko ngang magpahinga pero hindi ko magawang makapaghintay na malaman kung ano ang mga nangyari.   "Si Cason. Please, papuntahin n'yo siya rito."   Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali pero bigla na lamang naging tensyonado ang dalawa.   "B-bakit? May problema ba?"   Bahagyang yumuko si Doctor Jung saka hinawakan ang kamay ko.   "Hindi ako sigurado kung ano ang dahilan pero." Sandali siyang tumugil at tumingin kay Nurse Nari bago muling bumalik ng tingin sa akin. "May mga armadong tao sa palibot ng ospital. Kasalukuyan, walang ibang tao rito kundi ang mga pasyente at medical staff. Pagdating mo rito, ilang saglit lang nagsidatingan sila. Kinausap ang head ng ospital saka pinaalis ang ibang tao."   Agad na pumasok sa isip ko nanay ko. Paniguradong tungkol na naman ito sa Imprint.   Tinignan ko si Doctor Jung. Mukhang wala siyang alam tungkol sa Imprint maging si Nurse Nari.   Ayoko na silang madamay pa at mas makakabuting wala na lang silang alam.   "Maayos na naman ang kalagayan ko 'di ba? Hindi ako aalis rito pero tulungan n'yo si Cason na makapunta rito. Kailangan ko siyang makausap."   Bahagyang tumango ang dalawa. Alam kong nag aalinlangan sila. "Maraming salamat, sa lahat ng tulong ninyo. Pangako, matapos ito hindi na kayo madadamay pa."   Tinungo ni Nurse Nari ang pinto saka niya ito pinakiramdaman sa pagdikit ng tainga niya rito.   Sumenyas siya kay Doctor Jung. "Kung ano man itong problema ninyo, sana matapos na. Matagal ko na kayong nakasama. Alam kong mabubuti kayong tao. Mahal na mahal ka ni Sayer. Wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan mo. Nangako ako sa kanya na tutulungan ko kayo kahit anong mangyari." Bahagya niyang pinisil ang kamay ko bago tuluyang lumabas ng pintuan kasama si Nurse Nari.   Bahagya nilang iniwan ang pinto nang nakabukas. Gusto ko mang tumayo at lumabas pero nangako ako sa kanila. Aasahan ko ang tulong nila. Ayoko rin na malagay pa sa kapahamakan ang anak ko. Nasa tiyan ko pa lang siya pero napakarami na niyang naranasan. Naaawa ako.   Hinawakan ko ang tiyan ko. Ngayon ko pa lang nagawang makausap siya.   "Sorry, Anak. Hindi ko alam na nandyan ka na. Napakarami kasing iniisip ni Mama. Babawi ako sa 'yo. Hindi ako papayag na may manakit sa 'yo. Aalis tayo kasama ang Papa mo. Magpapakalayo layo tayo. Malayong malayo sa mga taong gusto tayong saktan. Pangako."   Napakarami mang nangyayari at hindi pa nasosolusyunan ang mga problema ay umaapaw sa saya ang puso ko. Ganito pala ang maging isang ina.   Wala akong ibang gusto kundi ang maging maayos ang lahat para sa kanya. Hindi ko man siya nakikita, nararamdaman ko ang init niya mula sa sinapupunan ko.   Posible pa lang magmahal ng isang tao kahit hindi ko pa siya nakikita.   Nakakatuwa.   Sana ganito rin ang nararamdaman ni Sayer.   Alam kong alam niya na buntis ako. Pero sa dami ng nangyayari, alam kong hindi ito ang nasa unahan ng listahan sa isip niya.   Naiintindihan ko naman siya. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang malampasan niya ang operasyon at makapagpalakas.   Doon ko lang naisip kung paano kami makakatakas kung may mga nagbabantay na.   Muling umusbong ang galit sa puso ko. Sa dami ng nangyayaring mali sa buhay ko ay may isang naging maganda at iyon ang anak ko. Pero pinipigilan na naman dahil sa Imprint.   Napakuyom ako sa dalawang kamay. Hinding hindi makukuha ng inay ko ang Imprint.   Mapapahamak ang anak ko kung pipilitin niya. Hindi ko iyon hahayaang mangyari.   "Kailangan kong makatakas rito."   Handa na ako para tumakas nang lalong bumukas ang pinto.   Natigilan ako nang muling isara ang pinto at sa pagharap ng lalaki ay si Cason ang bumungad sa akin.   May ngiti man sa mga labi niya ay nakita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.   Naalala ko na ang lahat dahil sa pangalawang extraction na ginawa sa akin.   Kilalang kilala ko si Cason na nakasama ko sa audition noon. Bagamat alam ko na ngayon na pagpapanggap lang iyon ay gusto kong maniwala na ang mga ipinakita niyang kabutihan sa akin ay totoo.   "Cason," bulong ko.   Napakatagal na nang muli kaming nakita at nagkausap. Napakarami kong gustong sabihin sa kanya, mga bagay na gustong itanong pero lahat natatabunan ng tuwa ko na makita siyang ligtas.   "Althea." Marahan siyang naglakad patungo sa kama ko.   "Marami akong dapat sabihin sa 'yo. Sobrang dami na hindi ko alam kung saan ako magsisimula," aniya nang nakayuko.   "Kung tungkol ito sa nakaraan, hindi mo na kailangan magpaliwanag. Pinipili ko nang kalimutan ang lahat. Maayos naman ako. Buhay pa ako hanggang ngayon. Alam kong dahil iyon sa tulong mo." Pinilit kong ngumiti kahit pa nagbabadya ang mga luha.   Noon makita ko lang si Cason ay sumisigaw ang puso ko sa tuwa. Mahal ko si Cason noon dahil sita ang kauna unahang taong magpakita ng pag aalaga sa akin. Napakarami ng nangyari at ngayong mas kilala ko na siya, iba na ang nararamdaman ko.   Mahal ko siya pero hindi na katulad noon.   "Hindi ko na inaasahan na mapatawad mo ako dahil sa mga nagawa ko noon. Pero sana hayaan mo akong tumulong sa inyo kahit sa huling pagkakataon."   Napakunot ang mga kilay ko. "Alam mo na rin ba?" tanong ko sa kanya.   Tumango siya. "Bantay sarado ang buong ospital. Bukas lahat ng CCTV at naka monitor tayo. Bawat galaw natin nakikita nila."   "Sinasabi mo bang wala tayong takas?"   Hindi kaagad siya sumagot. "Naghahanap pa ako ng paraan para makatakas tayo pero sa ngayon kailangan nating maghintay para kay Sayer."   Tumango ako. "A-anong magagawa ko? May maitutulong ba ako? Na sa akin pa naman ang Imprint 'di ba?"   "Wala kang kailangan gawin, Althea. Makakasama sa inyo ng anak mo kung magpapagod ka."   Natigilan ako. Alam niyang nagdadalang tao ako.   "Marami pang gusot na kailangan maayos, Althea. Sa ngayon, kailangan nating hintayin si Sayer. May plano siya."   Tumango ako. "Sabihin mo nga sa akin, Cason kung tama ang hinala ko. Ang nanay ko ba ang dahilan kung bakit may mga bantay rito?"   Sandali akong tinitigan ni Cason bago siya tumango.   "Sabihin mo sa akin lahat, Cason. Lahat lahat ng nalalaman tungkol sa nanay ko."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD