Chapter 8

1196 Words
SAYER’S POV Sa loob ng cubicle ako nag-stay para ma-monitor ko ang paggalaw nina Althea at Cason. Masaya ko pa ngang kinakain yung sandwich na binaon ko. Kaso tumapon iyon nang makita kong naghiwalay ang dalawa sa gitna ng dance floor. Inayos ko ang maliit na mouthpiece na nakatago sa collar ng polo ko. "Cason! Come in! Sundan mo si Althea!" Hindi ko inalis ang tingin ko sa dalawang pulang dultok sa monitor ng laptop ko, naghihintay na muli silang magsasama ngunit hindi iyon nangyari. I type as fast as I could to hack into the security cameras para masundan ko ang paglakad nina Althea at Cason. Matagumpay kong na-hack ang isang camera na nakatutok sa dance floor na agad na nag-pop up sa screen ng laptop ko. Kitang-kita ko si Cason na nakatayo lamang doon at tinitignan ang paglakad ni Althea palayo. "Cason! Kumilos ka na! Follow her!" Muli kong bulyaw sa mouthpiece kong konektado sa earpiece na nasa kanya. Ngunit tila hindi niya ako naririnig. Tinignan ko ang quality ng earpiece niya mula sa cellphone ko at wala naman akong nakitang problema niyon. Hinagis ko ang phone ko sa bag at nagsimulang nag-focus sa pag-hack naman ng cctv sa mga daraan ni Althea. Naka-monitor pa rin siya at hindi naman siya masyadong lumalayo mula sa pinangalingan niya. But still I have to make sure that she stays safe. "Got it!" Gigil kong wika nang makuha ko ang cctv ng ikalawang palagapag. There is Althea, walking up her way to the second floor of the building. Kasama niya ang isang waiter na may dalang juice sa tray na hawak nito. "Saan ka pupunta Althea?" I murmured. Sa huling hagip ng camera kay Althea pumasok ito sa isang malaking pintuan na sa tingin ko'y palabas sa isang beranda. Upon checking the building cctv plans, walang camera sa parteng iyon ng bahay. Kinabahan ako sa nakikita ko, Cason's dot is not moving and I can't see Althea. I followed my instincts and looked at the other cctv's near my location. "Not good! Not good!" May grupo ng security personel na papalapit sa lokasyon ko. Dali-dali kong ipinagsama-sama ang mga gamit ko at agad na lumabas ng cubicle. Hindi ko itinago ang laptop ko dahil kailangan kong makita kung saan daraan ang mga security para maiwasan ko. As I walk, I type in again to hack another cctv from another location near me. But the heck! May isa na namang grupo ng kalalakihan ang papunta rin sa lugar ko. I have to think well dahil kung hindi mahuhuli ako. I looked at the building's plan to see a way for my escape. And I saw one way, at iyon ay ang dumaan sa kisame. Sa ganitong kalaking building, ang kisame ay naglalaman ng mga itinatagong tubo ng aircon, tubig at exhaust – na kadalasan ang dulo ay nasa rooftop. Itinago ko ang laptop sa bag at itinali itong mabuti sa katawan ko. May kabigatan iyon dahil sa mga electronics na dala ko. Using the strength of my arms, binuhat ko ang sarili ko sa poste na magdadala sa akin sa isang pintuan ng kisame. Luckily, it wasn't locked maybe because they've just used it to check on everything before the party. Sa pagsara ko sa pintuan, nakita kong kalalabas palang ng mga humahabol sa 'kin mula sa elevator. "What hell is happening? Nasaan na ba si Cason!" Bulong ko sa sarili ko as I crawl my way through. Marahan akong gumapang para hindi makagawa ng ingay. I managed to take out my laptop and checked on Cason's location. But his dot disappeared. Agad kong tinignan ang lokasyon ng nag-iisang pulang dultok sa screen ko. Mukhang nasa beranda pa rin si Althea, I have to see her and take her away from here. I looked at the plan and found my way through the veranda. Isa lang ang nakita kong problema, pinapalibutan ang lugar ng mga armadong kalalakihan. There is no way for me to get down there. At hindi ko nalang pwedeng pabayaan si Althea lalo na't mukhang nahuli si Cason ng mga kalaban. By the looks of it, mukhang nasira ng ibang hacker ang tracking device ko. Only an expert hacker like me can ruin my tracking device. May kaluwagan na ang dulo ng kisame kung saan ako naroroon kaya naman nakuha ko ng umupo at makitang mabuti ang mga gamit na dala ko. I took out my own creation, the C.I.M.D or camera installed micro drone. Ito nalang ang pag-asa ko para makita ang ginagawa ni Althea. I created a hole in about a size of a coin using a portable driller I have at doon ko pinadaan ang C.I.M.D ko. With it's controller, I switched its view to where I can see Althea. Dahan-dahan kong nilapag ang C.I.M.D sa sanga ng isang puno malapit sa beranda. I made sure na makikita ko siya gamit ang salamin ko na converted na bilang screen ng C.I.M.D. "An old man coming in." I said to myself. I scanned his face and searched for some information about the man. Pero tumagal ang paghahanap ko ng impormasyon dahil may kalabuan ang image na nakuha ko sa drone ko, dahil madilim sa lugar at masyado iyong malayo. "Kung alam ko lang na magagamit ito ngayon, ginawa ko na sanang siyang 120 megapixels!" Pero huli na para magsisi, kailangan kong makuntento sa meron ako ngayon at gamitin ang mga iyon nang mabuti para mailigtas si Althea. Naging abala ako sa paghanap ng match sa mukha ng matandang lalaki sa database ko. Hindi ko napansin na may nahanap na pala ang automatic search feature ni C.I.M.D for face detection. Sa pagkakita ko palang sa mukha niya alam kong delikado na talaga ang buhay ni Althea. Data ni Director Bang ang nahanap ng drone ko. Siya rin ang taong ini-imbestigahan namin ni Cason. Malakas ang kutob namin, dahil na rin sa mga ebidensya na hawak ni Cason, na si Director Bang ang nasa likod ng mga threat sa buhay ni Althea. Muli kong pinalipad ang C.I.M.D para mailapit pa iyon kay Althea. Dahil sa oras na makalapit ito sa tracking device na na kay Althea, gagawa ang mga ito ng malakas ng ingay. I was hoping na kapag nakagawa ng malakas na ingay ang device ay magugulo si Director Bang. But I was too late. Natumba ang nanghihinang katawan ni Althea sa sahig. At sa pagtayo ni Director Bang, siya namang pasok ng isang lalaking mala-bouncer na tila kanang kamay niya. I saw how he grab Althea's weak body off the ground. Inakay niya ito papasok muli sa loob ng palapag na parang sako ng bigas. I have to do something! Itinaas ko sa full speed ang C.I.M.D ko kahit alam kong maari iyong masira sa ganoong kabilis na takbo. The hell I care! I have to save Althea. If not, I have to at least make a commotion para mabulabog ang mga tao sa kasiyahan. Sa liit ng C.I.M.D hindi nito nakakayang labanan ang biglaang paglakas ng hangin sa paligid. I struggled to take back it's control. Mabuti nalang at muling humina ang hangin at agad ko iyong napapunta sa beranda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD