Chapter 48

1239 Words
"s**t!"   Napamura nalang ako nang makuha ko ang blue print mula sa isa sa mga devices na pinakawalan ko. Blue print iyon ng underground facility ni Trent. Hindi lang para sa mismong extraction ang mga nasa lugar. Iba't ibang experiment din at chemicals ang nakapaloob dito at on going pa ang ilan.   Delikado kung may matatapon o matatamaan ng bala. Paniguradong sasabog ang buong isla.   Tumingin ako kay Cason na naghahanda na para kunin ang atensyon ni Trent para makapunta ako sa main system.   Magagawa ko mang i-lock ang ilang experiment na nakalagay sa mga freezer pero delikado pa rin dahil may mga ilang babasagin ang lalagyan.   "Cason! Iwasan mong matamaan ang mga experiment sa paligid! Sasabog tayo!"   Tumango si Cason.   Agad akong tumayo nang senyasan ako ni Cason. Magkakasunod na nagpaputok si Cason para magtago muna si Trent habang papunta ako sa main system.   Doon ko lang magagawang mai-lock ang mga experiment nila. At maghahanap na rin ako ng mga data na ipapadala ko kay Theresa.   Malaking ebidensya ang mga ito para makulong si Trent.   Sa pagganti ni Trent sa mga pagsugod ni Cason ay mabilis akong nagtago.   a pagkakataong iyon ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Sinagot ko sa pamamagitan  ng earbud na suot ko na konektado na roon.   "Sayer! Nasaan si Althea?" Boses lang ang narinig ko mula kay Theresa pero alam kong nag aalala ito.   "Ligtas na siya. Nasa ospital na siya ngayon sa tantiya ko."   "Nakausap mo ba? May sinabi ba siya tungkol sa imprint?" Hindi na lang basta pag aalala ang napapansin ko nararamdaman niya.   "Nakausap ko ho siya pero wala siyang nabanggit tungkol sa imprint. May nangyari po ba?"   Naging tahimik lang siya sa kabilang linya. Nakakarinig ako ng mga tunog na tila ba tulad ng maa gamit sa ospital.   "Send me her location now."   Kumabog ang dibdib ko. Hindi ko nagustuhan ang tono ng huli ng mga salita bago tuluyang binaba ang tawag.   "Sayer! Ngayon na!"   Hindi ko na napansin na muli na namang nakikipag buno si Cason kay Trent. Oras na para muli akong tumakbo patungo sa main system.   Nagawa kong marating ang dapat kong puntahan. Wala ang isip ko sa ginagawang pagkakabit ng connector sa laptop ko at main computer ay nagagawa ko iyon nang maayos na para bang reflex ko na.   Hindi maalis sa isip ko ang utos ni Theresa. She wants Althea's location. Wala akong ibang maisip na dahilan kundi lang ang Imprint at extraction.   They can't do the extraction now. Mapapahamak ang mag ina ko.   Matapos kong mai connect ang lahat ng kailangan ay umupo ako sa sahig para maiwasang matamaan ng mga nagliliparang bala.   Agad kong hinahanp ang security files and nag encode ng sarili kong codes para i-hack ang mga iyon. Kailangang maisara lahat ng experiments nila.   Sunod kong hinahanap ang mga data. Magkakaiba ang mga iyon. Mayroong patungkol sa mga malalakas na armas na ilegal na gawin pero sa facility ay completed na ang process. Nag-transfer ako ng files diretso na sa laptop ko.   Nakuha ang atensyon ko ng pinakabagong data na nakuha. This data had been gathered just an hour ago. Paniguradong ito ang laman ng imprint.   Bilin sa akin ni Theresa na huwag na huwag titignan ang laman nito. Kaakibat na iyon ng trabaho ko. Kunin lamang ang dapat at huwag nang alamin pa kung ano iyon at kung para saan.   Kadalasan ang mga trabaho ko ay may kaakibat na ilegal na mga gawain mula sa mga malalaking tao. Hindi lang mga business tycoons kundi maging government officials.   Alam kong mali itong naiisip ko at maaari kong ikapahamak. Delikadong makabangga ang mga government special forces. Kaya nila akong patayin nang walang makikitang butas sa gagawing krimen. Madali lang para sa kanila ang magpatahimik ng isang tao.   Pero si Althea ang pinag uusapan dito. Si Althea at ang anak namin.   Kung bubuksan ko ang data, maaaring malaman ko kung ano ang magagawa ko para aalis iyon sa katawan niya nang hindi sila nasasaktan.   "Sayer!"   Sa gitna ng pagkakatulala ko ay narinig ko ang sigaw ni Cason.   Pareho nang tahimik ang mga baril nilang dalawa. Mukhang pareho ng walang bala.   "Konting oras pa!"   Bahagya akong sumilip kay Trent. Tulad ng hinala ko, wala na siyang bala pero nakaharap siya sa computer.   Delikado.   Bumalik ako sa laptop ko at doon ko lang nakita na isa- isa nang nabubura ang mga files sa main system. Maku-corrupt ang mga files nito!   Hindi na ako nagdalawang isip pa itransfer ang data mula sa imprint papunta sa personal saving device ko. Ligtas ang device na iyon at hinding hindi mapapasok ng kahit na akong virus dahil ako mismo amg may gawa noon.   Ilang segundo bago matapos ang transfer ay nabura na rin ang data na iyon sa main system.   Malakas na tumawa si Trent. Sumilip akong muli. Hindi ko gusto ang reaksyon niyang iyon. May kakaiba.   Hindi nagtagal ay pumunta si Cason sa pinagtataguan ko.   "Nasiraan na ng ulo ang isang 'to," bungad niya sa akin.   "Oo nga." Noon ko lang napansin na may tama ng baril si Cason. "Nadaplisan ka ata?" Bahagaya akong tumawa.   Magaling na shooter si Cason at ngayon ko lang siya nakitang nasugatan sa misyon.   "Matagal na akong natengga."   Nang bahagyang ilihis ni Cason ang damit para tignan ang sugat niya ay noon ko lang nakita ang mga bakas ng nasunog niyang katawan.   Dahil sa inakala kong patay na siya noon at naging abala ako kay Althea ay hindi ko na naasikaso pa si Cason. Hindi ko na nagawang maipahanap kahit man lang ang katawan niya noon. Nagsisisi ako.   Kung saang nabalikan ko siya, hindi sana siya nagkaganoon.   "Daplis lang 'to. Mas malala pa 'yang sugat mo. Ano ng sunod na plano?"   Inalis ko sa ulo ko ang naiisip. Ipagpapaliban ko na muna ang paghingi ng tawad.   "Binura lahat ni Trent ang mga data na nakuha nila. Nakapag send na rin ako ng location sa special forces. Siguradong papunta na sila rito. Umalis ka na. Marami kang atraso sa kanila 'di ba?"   "Ikaw ang kailangan umalis. Na-lock mo na naman lahat ng experiment at chemicals rito 'di ba?" Kaya ko na. Umalis ka na."   Noong una ay inakala kong nagbibiro lang siya pero nang tignan ko ay seryoso ang mukha niya.   "Sundan mo na si Althea. Sigurado hinahanap ka niya."   Parang may kung anong tumarak sa puso ko. Napayuko ako.   "Gago. Umayos ka. Kailangan ka ni Althea."   Kinuha niya mula sa bulsa ko ang isang maliit na device. "Ipasa mo rito lahat ng controls sa mga pintuan. Ako na ang bahala sa baliw na 'to."   "Siraulo ka ba? Bumalik ako rito para tulungan ka!"   Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng galit. Hindi para kay Cason, kundi para sa sarili ko.   "Bumalik ako para iligtas ka!"   Nagulat si Cason katulad ng naramdaman ko sa mga nasabi ko.   Nanatili siyang tahimik at hindi nagtagal ay naramdaman ko nalang ang pagtapik niya sa balikat ko.   "Ginawa mo lang ang tama noon. Lalo kitang hindi mapapatawad kung hindi si Althea ang iniligtas mo."   Halos maiyak na ako sa guilt na nararamdaman ko. Gusto ko pa sanang magpaliwanag lalo na sa panloloko ko kay Althea dahil sa pagkawala ng mga alaala niya pero bigla na lamang yumanig ang sahig.   Tumingin ako sa hawak kong laptop. May timer na gumagana at nasa ikalabing limang segundo na.   Hindi na kailangan ng mga salita para maintindihan namin ni Cason ang nangyayari.   Self-destruction ito ng buong facility.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD