Chapter 46

1225 Words
Hindi ako mamamatay tayo pero sa posisyon ko ngayon, talagang ginagalit ako ng isa 'to!   Dinakma ko ang paa niyang nakadiin sa tiyan ko saka ito pinilit na inanggat.   Nagawa kong mapatumba siya. Hindi alintana ang sakit ay mabilis akong tumayo para daganan siya.   Nakailang suntok ako sa mukha niya dahilan upang manlambot siya.   Wrong move. Matigas ang plastic na mask na sumugat nang malalim sa kamao ko.   Nahagip ng mata ko ang baril sa hindi kalayuan. Kailangan ko ng tapusin ang laban.   Nang akma dumampi ang dulo ng daliri ko sa baril ay hinila ako ng kalaban at inilayo.   Gamit ang dalawa niyang kamay na pinalupot niya sa buong tiyan ko ay inanggat niya ako sa pagtayo kasama siya. Diniin niya ang katawan ko sa dingding.   Pilit kong inalis ang mahigpit na pagkakayakap niya sa tiyan ko. Ramdam kong tumutulo na ang dugo mula sa sugat ko.   Mabilis akong humarap sa kanya para makaganti ng magkakasunod na suntok. Pinigilan niya ang magkabilang braso ko.   Bumaling ang tingin niya sa baril na nasa paanan na naming dalawa.   Alam kong balak na niya akong tapusin.   Hinawakan ko maging ang mga braso niya at nakipagbuno sa kanya.   Walang nais na magpatalo sa aming dalawa. Pero wala na akong oras. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kang Cason. Siya ang dapat kong asikasuhin dito at hindi itong mokong na 'to!   Sinipa ko ang paa niya para subukang maitumba siya pero matatag siya.   Buong lakas ko siyang itinulak patungo sa mga gamit na nasa paligid. Tumilapon ang lahat ng kagamitan nang sumadsad ang likod niya sa mga iyon.   Nagawa ko siyang maitumba dahil doon. Ngunit sakto niyang maabot ang baril.   Hindi ako pumayag. Mabilis kong pinigilan ang kamay niyang hawak hawak na ang baril.   Matagumpay ko iyong nakuha. Mabuti na lang at sugatan ang kamay niyang ginamit at hindi ako nahirapan sa pagbawi niyon sa kanya.   Itinutok ko ang baril sa mukha niya.   Hindi ko man siya nakikita pero alam kong pasuko na siya.   Malalalim na paghinga na lang ang maririnig sa aming dalawa.   "Gumagaling ka na sa pakikipaglaban, Sayer."   Napailing na lang ako nang marinig ko ang boses niya. Halos manlambot ang tindig ng kamay kong nakatutok sa kanya.   Itinaas niya ang kamay para alisin ang suot niya sa ulo. Duguan at pawisan ang mukha ni Tres nang tuluyan iyong matanggal.   "Tarantando ka!" Napamura na lang ako.   Hindi ko naisip na isang traydor ang tangging taong pinagkakatiwalaan ko sa trabaho.   Mariin kong dinikdik ang bukana ng baril sa leeg niya. Hindi ako makapaniwala na minsan kong nasabi kang Althea na pagkatiwalaan ang gagong 'to!   Ngumisi siya sabay sa malalim na bunga ng hangin. "Trabaho lang, Sayer. Walang personalan."   Dala ng galit ay kinwelyuhan ko siya. "Gago! Papatayin mo 'ko!"   "Malaking pera ang nakapatong sa ulo mo. Kilala mo naman ako."   Nagpanting ang tainga ko. Walang pagdadalawang isip ay hinampas ko ang baril sa gilig ng leeg niya para patulugin siya.   Hindi ko kayang patayin si Tres. Itinuring ko siyang kaibigan. Hindi ako makapaniwala na kung sino pa ang nagturo sa aking lumaban ang siyang makakaharap ko ngayon. Tarantadong mukhang pera.   Noon ko lang naramdaman ang sakit na bumabalot sa tiyan maging sa buong katawan ko dala ng laban. Pero hindi ito ang panahon para isipin ang sarili ko.   Bago ko iniwan si Tres ay kinapa ko muna ang mga bulsa niya. Sa pagkakakilala ko sa kanya, alam kong magdadala siya ng mga devices na karaniwang ginagamit namin sa trabaho.   Ngunit wala itong anumang gamit sa bulsa. Hanggang sa madako ang tingin ko sa suot niyang kwintas.   Sumagi sa isip ko na minsan na niyang nasabi noon na ang kwintas na iyon ang tagapagligtas niya.   Isang chip ang nakatago sa glass pendant sa kwintas na kasing laki lang ng butl ng bigas. Inisip kong mabuti kung paano iyon makakapagligtas. Walang anumang port na mapagkakabitan niyon na dala niya, maging sa mga dala ko ay wala akong magagamitan niyon para malaman kung ano ang laman ng chip. Gayunpaman, hinablot ko iyon sa pag alis ko.   Sa pagsakay ko sa elevator ay umupo ako sa sahig saka ko kinuha ang laptop. Siguradong susugurin na kami ng iba pang guards lalo na't nabisto na ang ginawa kong cover up.   Gamit ang mga devices na dala ko ay nilock ko lahat ng possible entry and exit points liban lang sa mga kakailanganin ko para mapuntahan si Cason.   Sa pagsara ko sa laptop ay kampante na akong hindi na kami mapupuntahan ng ibang alipores ni Trent.   Bahagya kong nilihis ang tshirt ko para silipin ang sugat. Muling bumukas ang   sugat at walang tigil ang dugo lumalabas mula rito.   Hindi ko na naisip na mapapalaban ako nang pumunta ako rito. Hindi ako nakapaghanda ng kahit anong magagamit ko para tapalan ang sugat.   Bahala na.   Tumayo dahil malapit na muling bumukas ang pinto ng elevator. Gamit ang dalawang baril itinutok ko iyon, abang sa kung ano man ang maaari kong datnan.   Bago pa man bumukas ang pinto ay nakakarinig na ako ng mga pagputok ng baril. Nagtago ako sa gilid at hinintay na bumukas ang pinto.   Mabuti na lang at ginawa ko iyon dahil ilang bala rin ang diretsong tumama sa dingding ng elevator.   "Cason!"   Kailangan kong malaman kung nasaan siya. Hindi ko maaninag ang eksaktong lokasyon niya mula sa repleksyon sa loob ng elevator.   "Gago ka! Anong ginagawa mo rito?"   Nakahinga ako nang maluwag nang marinig kong buhay pa si Cason.   "Siraulo! Nag send ka ng signal! Natural pupuntahan kita!"   Bahagya akong sumilip nang tumigil ang putukan. Nakita ko si Trent na nakatago sa likod ng isang counter na kung saan nakalagay pa ang iilang gamit pang ospital. Habang si Cason naman ay nasa likod ng isang haligi.   Sa itsura pa lang ng dalawa alam ko ng kanina pa sila nagbabangayan, bala laban sa bala. At sa tingin ko, pareho na ring paubos ang mga bala nila.   Nagpaputok ako ng baril sabay sa paglabas ko sa pinagtataguan patungo kay Cason.   Kapwa kami ngumiti sa isa't isa. "Napalaban ka?" tanong niya.   Tumango ako. "Wala ka ng dapat alalahanin. Sarado na lahat ng entry point dito. Si Trent na lang ang kalaban natin."   Tumingin siya nang mariin sa akin. "Anong plano?"   Napangiti ako. Para kaming bumalik sa nakalipas na panahon. Tulad noon, ako ang gagawa sa plano, si Cason ang nakaharap.   Wala akong planong nakahanda. Naging imposible para sa akin ang ma-locate ang underground facility ni Trent. Hindi ko pa alam ang pasikot sikot.   "Aalamin ko ang blueprint ng lugar na 'to. Sigurado akong makukuha ko lahat ng inpormasyon sa system basta mapasok ko. Kailangan ko ng ilang minuto."   Tumango tango siya. "Ako na bahala."   Ibinato ko sa kanya ang dala kong mga baril. "Gamitin mo 'to. Sa tingin ko nandoon ang central system."   Itinuro ko sa kanya ang gitnang bahagi ng facility kung saan mayroong computers. Kahit anong slot na pwede kong magamit, siguradong makukuha ko ang central system at iyon na ang pinakamalapit.   "Sandali." Pagpigil niya sa akin. "Si Althea?"   "Papunta na siya sa ospital. Nakaabang na rin si Doctor Jung."   Nakita ko ang pagkawala ng labis na pag aalala niya para kay Althea.   "Sayer." Tumingin siya sa akin nang may ngiti hanggang sa mata. Hindi ko maintindihan noong una kung bakit parang may nawalang mabigat na krus na nakapatong sa likod niya. "Tapusin na natin 'to. Naghihintay na ang mag ina mo."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD