Chapter 2

1087 Words
Nang makarating ako sa bahay namin ay nakita ko na si mommy na nagbibilang ng pera sa lamesa. Sa bibig niya ay nakapasak ang isang sigarilyo habang nagbibilang. Lumapit ako sa kanya. Kinuha ang kamay niya at nagmano. “Natanggap ko na yung pera, ang tagal-tagal mo pang umuwi! Saan ka ba nag lamyerda, bata ka?! Oh, malaki-laki itong binigay ni Mr. Chen ah, doble kesa doon sa kinita mo nung nakaraan. Naghubad ka ba sa harap ng mga customer?” “Hindi po, Ma,” “Hindi? eh diba, pinainom ko sayo yung aphrodisiac?! ininom mo ba o hindi?!” “Ininom po.” tipid na sagot ko. “Oh, eh bakit malaki ang kinita mo kagabi ng hindi ka naghuhubad? Hays! bahala ka na nga, Oh heto, five thousand, bumili ka ng bagong dress, sapatos at make-up mo o kahit anong luho mo, baka sabihin mo kinukuha ko lahat ng kita mo eh!” Hindi ko nalang siya sinagot at kinuha yung five thousand na inabot niya sa akin dahil kapag nalaman niyang naipaubaya ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala kagabi ay baka mas lalo niya lang akong abusuhin. Kaya ko naman ang trabahong ito at ilang taon ko na ring ginagawa ang mang-uto ng mga mayayamang lalaki para sa kakarampot na lilibuhing pera ngunit ang pa-ulit-ulit na may gumamit ng katawan ko? Iyon ang hindi ko masisikmura kahit kailan. Hindi ako pokpok. Hindi ako pokpok. Oo, bayaran akong babae ngunit alam ko sa sarili kong hindi ako pokpok kaya iyon na ang huling pagkakataon na ibibigay ko ang sarili ko. Nakuha ng estrangherong iyon ang puri ko dahil hindi ako naging maingat. Paulit-ulit kong itinatak iyon sa isip ko. “Siya, ipagpatuloy mo lang iyon at magiging maayos ang trabaho natin! at saka… magbihis ka na at mag impake ng mga gamit, lilipat na tayo ngayon!” saad ni mommy kaya kumilos na ako. Napatingin ako sa lumang bahay namin. Naibenta na ito ni mommy kung kaya't kailangan na naming umalis. Ang nakuha namin dito ay pinambayad ni mommy ng mga utang ngunit ang iba naman ay nilustay niya sa pasugalan sa akalang madodoble ang pera niya, ngunit hindi. Naipatalo niya iyon lahat kung kaya't wala ng natira at ngayon ay ako naman ang inaabuso niya at pinaghahanap ng mapagkakakitaan. Nineteen years old lang ako nang mamatay si daddy. Twenty-three na ako ngayon. Simula ng mamatay si daddy ay pinahinto na ako ni mommy sa pag-aaral dahil wala na daw siyang pambayad ng tuition ko. Kung saan-saang raket niya ako dinadala, magka-pera lang kami. Maayos ang buhay namin noong nandito pa si daddy. Simpleng buhay, may kaya rin ng kaunti kaya hindi na kinailangang magtrabaho pa ni mommy. Kapag tinatanong ko noon si daddy kung bakit siya lang ang nagtatrabaho ay palaging iisa lang ang sagot niya: “Ayoko kayong nakikitang nahihirapan, gusto ko, buhay reyna at buhay prinsesa kayo dito sa bahay na ‘to.” Hanggang sa dumating ang hindi namin inaasahan. Nalaglag sa tulay ang kotse ni daddy at doon ay kaagad siyang namatay. “Oh ano? ready ka na?!” tanong ni mommy. Tumango lang ako at binitbit ang maleta ko. Mabigat ang maleta kong iyon ngunit mas mabigat ang dinadala ng aking puso. Ang bahay na pinaghirapan at pinagpaguran ni daddy ay naibenta lang. Wala na. Pumara si mommy ng taxi na siyang magdadala sa amin sa isang five star hotel. Ngayon ang araw ng kasal ni mommy sa isang lalaking kahit kailan ay hindi ko pa nakilala. Ang sabi niya ay naka-jackpot daw siya dahil mayaman ang lalaki at halos kasing edad niya lang din ito. Nakilala niya ang lalaking iyon sa Casino at inalok siya kaagad nito ng kasal. Habang nakasakay kami sa taxi ay panay ang retouch ni mommy ng make-up niya. “Oh, Atasha, batiin mo lahat ng nandoon huh? ngumiti ka, magpakilala ka, lalong-lalo na kay Mr. Salcedo.” saad niya habang nakatingin sa salamin ng face powder niya. Dalawang linggo niya rin itong hinintay dahil ang sabi ng boyfriend niya ay inihahanda pa raw ang lahat at habang naghihintay ay kinailangan kong rumaket para kay mommy dahil marami siyang gustong bilhin na mga gamit bago siya ikasal katulad nalang ng bagong bag, damit at sapatos. She needs to fake it till you make it kaya kapag ra-raket kami ay hindi halatang wala kaming pera ngunit ang totoo ay said na said na. “Opo.” iyon nalang ang nasabi ko. “Ituring mo na siyang parang daddy mo dahil ikakasal na kami.” “Ma, hindi ba parang ang bilis naman yata? ni-hindi mo pa nga yan dinala sa bahay kahit minsan eh, sigurado ka bang mapagkakatiwalaan siya?” “Oo naman! at saka tuwing makikita ko siya, pera ang nakikita ko. Magpapakasal lang naman ako para sa pera at magandang buhay. Alam mo, Anak, yang mga mahal-mahal na yan hindi mo na yan maiisip pag tumanda ka na kagaya sa akin. Wala ng halaga yan at ang iisipin mo nalang ay kumita ng pera kaya wag ka ng umangal dyan dahil oras na maikasal kami, hindi mo na kailangan pang rumaket kung saan-saan. Hindi ka ba natutuwa doon?! naka jackpot ako ng mayaman, this time! isa siyang CEO ng malaking kumpanya!” saad niya na masaya at parang teenager na kinikilig-kilig pa. “Okay, sige, kung dyan ka masaya.” iyon nalang ang nasabi ko. Hindi ko naman masisisi si mommy siguro ay nasanay lang din siya sa klase ng buhay na ibinigay sa amin ni daddy kaya siya ganito. Noong buhay pa kasi si daddy ay nakukuha niya ang lahat ng luho niya at hindi niya kailangang magtrabaho. Kung nakahanap siya ngayon ng lalaking magtutuloy ng lifestyle na ipinaranas sa amin ni daddy noon ay magiging masaya nalang din ako para sa kanya. At kung totoo na hindi niya na ako pagtatrabahuhin pa oras na magpakasal siya kay Mr. Salcedo ay… hindi ko na rin kailangang magpuyat sa gabi-gabi at makakapagpahinga na rin ako ng maayos. Siguro ay ayos na iyon upang makatakas ako sa maruming trabaho na ‘to. Nang makarating kami sa Five star Hotel ay talagang five star nga iyon. Halos malaglag ang panga ko sa ganda ng lugar. Nakahanda na ang mga staff na inutusan ni Mr. Salcedo upang asikasuhin kami. Ni-hindi ko alam ang first name niya dahil Mr. Salcedo lang ang palaging banggit ni mommy. Pagpasok palang namin sa VIP suite ay inayusan na kaagad ng mga staff na naroon si mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD