SIOBEH kaagad kong pinuntahan si Adonis at totoo ngang gising na siya. Adonis! Adonis! Gising ka na nga!” napalingon siya ng magsalita ako. “Sio–” naputol pa ang mga sasabihin niya siguro marahil ay natutuyo ang lalamunan niya kung kaya't kumuha ako kaagad ng isang baso ng tubig at inalalayan ko siyang uminom. “Uhaw na uhaw ka! Kamusta ka na?! May masakit ba sayo?! Sabihin mo!” tanong ko sa kanya ngunit umiling-iling lang siya. Maya-maya ay pumasok naman si Dr. Montenegro. “Ah, siya nga pala, Adonis, heto si Dr. Abbigael Montenegro. Siya ang doktor na tumitingin sayo.” paliwanag ko ngunit mukhang wala siyang pakialam sa mga pinagsasasabi ko. “Siobeh si Atasha, kailangan kong hanapin si Atasha! Nasa panganib siya!” saad niya na nagpanic na. “Adonis, sshh relax, Atasha is fine,

