ATASHA Sa pagtatapos ng event– napansin kong nawawala ang kwintas ko kung kaya’t pinaghahanap ko iyon. Naalala ko na may nakabangga nga akong guest kanina siguro ay nung nabangga ako ay nalaglag iyon. “Vivian, nakita mo ba yung necklace ko?” “Huh? Anong necklace?” tanong niya. “Yung locket necklace na suot-suot ko, yung may picture namin ng daddy ko at ako nung baby ako.” “Huh?! Alam kong may necklace ka pero diba palagi mo lang naman iyon tinatago sa uniform mo? Kaya hindi ko alam kung anong hitsura non.” “Oval shape siya, silver locket.” dinescribe ko pa sa kanya pero hindi niya talaga makuha-kuha. “Pasensya ka na, Atasha pero wala akong nakita.” “Sige, hahanapin ko na lang, pakisabi na lang din kila Joan na may hinahanap akong locket necklace kamo baka nakita nila.” “O sig

