ADONIS Mabilis akong umikot sa kuta ng kalaban ng mag-isa. Alam ko na kung saan nakapiit si Siobeh at Kent. Hindi ko akalaing magagawa ko ito ngunit ligtas din naman akong nakabalik sa base na ginawa namin. Uhaw na uhaw ako ng makabalik ako sa base namin kung kaya't ipinaligo ko sa katawan ko ang isang bote ng mineral water. “Boss?! kamusta?!” “Okay na, nakita ko na. Aatake tayo ng lunchtime kaya kumain na kayo ng maaga.” saad ko na tumingin sa wristwatch ko. Alas dyes na ng umaga. Sakto para sa binigay ni Siobeh na 18 hrs. “They are planning to show to their people how powerful they are. Gusto nilang bitayin si Siobeh at Kent sa may bayan.” paliwanag ko sa kanila. “Mga walang awa!” asik ni Jhondo. Lumapit sa akin si Abbigael at binigyan ako ng isang plato ng napakaraming ka

