ADONIS “Niligtas ka na nga, galit ka pa? tss! f*****g ungrateful brat!” saad ni Aarav. “Palagi ka na lang late! alam mo bang muntik na akong mapugutan ng ulo doon?! ni-hindi mo man lang ba iniisip na pwede kang mawalan ng magandang asawa?” “Baby boo boo, hindi ko naman hahayaang pugutan ka nila ng ulo. Dadaan muna sila sa akin.” “Yan, puro ka yabang, palagi ka na lang late!” singhal ni Siobeh ngunit naglakad siya papunta kay Aarav sa harapan ng helicopter. “At saka… hinahanap ka na ni jam-jam.” dagdag pa ni Aarav. Hindi ko alam kung paano naaatim ng mag-asawang ‘to na ganito ang linya ng trabaho nila habang nagpapalaki ng anak. Siguro ay talagang napakahirap. Nilisan na namin ang lugar na iyon. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Makakasama ko na rin si Adam at Atasha sa wakas. Niy

