Chapter 73

1341 Words

ATASHA Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahalik sa aking leeg. Alam kong si Adonis iyon kaya’t bagama’t nahihilo pa ako sa antok ay inipon ko ang lakas ko upang magpumiglas, bumangon at mabilis na kinuha ang maliit na kutsilyong kanina ko pa inipit sa gilid ng lace panty ko. Itinutok ko kaagad iyon sa kanya at napaatras naman siya. “Sinasabi ko na nga ba may masama kang balak sa akin e! Walang hiya ka!” singhal ko sa kanya, nanlilisik ang mga mata ko sa galit na nakatingin sa kanya. “Atasha, relax, matalim yan, bakit ka may ganyan sa damit mo?!” “Dahil kabisadong-kabisado na kita Adonis, alam kong hindi ka papayag ng walang mangyari sa atin ngayong gabi! Subukan mo akong hawakan ulit talagang mapapatay kita at puputulin ko pa ‘yang kaligayahan mo! Wag mo akong subukan!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD