ATASHA Nag resign na ako sa Gentleman Hotel dahil abala na ako sa pagpasok ni Adam sa school. Aminado ako na napapabayaan ko na siya dahil palaging trabaho ang inaatupag ko para mabuhay kaming dalawa ngunit hindi ko na problema ang pera ngayon, mayaman na ako kaya ipinangako ko kay Adam na babawi ako sa kanya at gugugulin ang oras ko sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanya. In a short span of time, nakuha ko rin agad ang mana ko sa mga Borromeo at ginamit ko ang pera upang pang makapagpatayo ng small business na jewelry shop. Na-inspired kasi ako sa kwento namin nila daddy at kung paano ulit namin nahanap ni mommy ang isa’t-isa. Iba talaga ang nagagawa ng mga jewelries. Hindi lang siya simpleng palamuti sa katawan kundi simbolo din ng pagmamahal… kagaya na lang ng engagement ring na

