"WHAT?" Inilapit ni Aria ang mukha kay Sanya ng hindi niya maintindihan ang boses nito ng kausapin siya nito dahil sa lakas ng tugtugin sa loob ng kinaroroonan na bar. Nagyaya na naman ang ilang kaibigan nila na magpunta sa bar dahil gustong mag-unwind ng mga ito. Sumama din si Aria dahil wala siyang nagawa noong sunduin siya ni Sanya sa condo niya. Mukhang na-miss din nito ang gumala pagkatapos gumaling ang paa nito. At talagang wala din siyang kawala dito dahil inunahan na din siya nito sa pagpapaalam sa boyfriend niyang si Angelo. Gusto sanang sumama ni Angelo sa lakad nilang magkakaibigan para daw may kasama silang lalaki kaso hindi ito nakasama dahil may tatapusin daw itong isang proposal para sa ka-meeting nito bukas. Pero mahigpit siya nitong binilinan na mag-ingat. At banta

