"MINA, sa loob lang ako ng office ko. Tawagin mo na lang ako kapag may customer tayo," wika ni Aria sa assistant niya ng balingan niya ito sa cubicle nito pagkatapos umalis ng customer nila na may schedule ngayon. Second vaccine kasi ng alaga nitong aso. Tumango naman si Mina. "Sige po, Ma'am," wika nito sa kanya. Ngumiti naman siya bago siya humakbang papasok sa loob ng opisina niya. Lumapit siya sa table niya at umupo siya sa swivel chair niya. Back to work na si Aria pagkatapos ng kasal niya. Halos dalawang linggo din siyang hindi pumasok sa Pet Clinic niya dahil nga sa naging abala siya sa kasal niya. At dalawang linggo din close ang Clinic. Hindi din naman kasi niya pwedeng iwan iyon kay Mina ng ganoong katagal. Hindi naman kasi ito Veterinary Doctors at kailangan pa nito ng sup

