"BABE, wake-up." Naalimpungatan si Aria nang marinig niya ang masuyo at malambing na boses na iyon ng asawa. Naramdaman nga din niya ang mahinang pagyugyog nito sa braso niya. "Wake-up..." Nagmulat ng mga mata si Aria ng marinig niya ang boses na iyon na gumigising sa kanya. At sa pagmulat agad niyang nakita ang gwapong mukha ng asawa na nakatunghay sa kanya. Darn. Ang sarap pala iyong pakiramdam na paggising niya sa umaga ay ang mukha ng asawa niya ang unang makikita niya. Ngumiti naman ito nang makita nito na gising na siya. "Good morning, babe," bati nito sa masuyong boses. Pagkatapos niyon ay yumuko ito para halikan siya nito sa noo. "Ayaw sana kitang gisingin pero kinakailangan na dahil mali-late ka sa clinic mo," sabi nito sa kanya. Ngumiti naman si Aria ng pabalik sa asawa.

