NASA sala sila Aria at ang asawa habang nanunuod silang dalawa ng balita sa TV. Nakahilig siya sa balikat nito habang nakaakbay naman ito sa kanya. Nakita naman niyang dinampot nito ang remote control ng TV. At akmang ililipat nito iyon nang chanel ng pigilan niya ito. "Wait, babe," pigil niya dito. Umalis din siya mula sa pagkakahilig niya sa balikat nito at umayos siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa. "Why, babe?" tanong naman nito sa kanya. Sa halip naman na sagutin niya ito ay nanatili ang atensiyon niya sa balita na pinapalabas sa TV sa sandaling iyon. Hindi man nga lang siya sumulyap sa asawa ng magtanong ito, titig na titig lang siya sa pinapanuod. Saglit naman niyang naramdaman ang titig ng asawa sa kanya hanggang sa ituon din nito ang atensiyon sa harap ng TV. Ang balita k

