Pagkatapos nang apat na taon ay nakabalik muli ako rito sa Manila, kasama kong lumuwas nakaraang gabi ang aking bestfriend na si Hannah Mante. Nang magpaalam ako kay Itay at Inay ay agad nila akong pinayagan sumama kay Hannah para na rin makatipid ako sa pamasahe.
Ang ganda at malaki pala talaga ng bahay nila Hannah rito sa Pasig Manila, agad akong sinamahan ni Hannah patungo sa magiging kwarto ko rito sa bahay nila pagkarating namin dito kani-kanina lang.
Magandang kwarto ang bumungad sa aking harapan, malaki na higaan at makapal na kutson na ang sarap higaan, ang linis ng kwarto at mayro'n pa itong malalaking sofa sa isang sulok at sa tingin ko ay mamahalin ang mga 'to, sabagay afford na nilang bumili mga ganitong klaseng gamit dahil nakwento ni Hannah sa'kin habang nasa byahe kami ay hindi lang basta mayaman ang napangasawa ng ate n'ya kundi isa pala itong bilyonaro.
"I'll leave you here in your room bestfriend, rest first," sinabi sa'kin ni best friend Hannah.
Ngumiti ako sa kanya.
"Wow! best friend, hindi ko akalaing english speaking kana pala ngayon!" sambit ko.
"Nag practice lang ako best friend ikaw naman!" sambit n'ya at sabay humagalpak ng tawa.
"All right, if that's what you want, let's just speak English so we can get used to it," bilang tugon ko sa kanya.
Napanganga pa s'ya nang ako'y nagsalita na ng English parang hindi pa makapaniwala.
Hindi naman sa pagmamayabang no'ng ako'y nag-aaral ng elementary at high school ay palagi akong honor student, at no'ng nag college rin ako ay isa rin ako sa pambato sa'ming paaralan sa English subject.
"Wow! best friend, ginulat mo ako do'n ah! ang galing mo pa lang magsalita ng english, turuan mo naman ako best friend." Sambit ni Hannah sa'kin.
"Ayan kasi bestfriend... no'ng nag-aaral kasi tayo ay palagi na lang cutting classes ang ginagawa mo kaya ngayon nangangamote ka tuloy sa pag-e-english." Pangloloko ko sa kanya, agad n'ya naman akong hinampas ng mahina sa balikat at tumawa.
Lumabas na si Hannah sa kwartong pinagdalhan nya sa'kin, ako naman maglilinis muna ng katawan bago matulog kaya kaagad kong tinungo ang banyo pagkabukas ko ng pinto namangha ako, ang ganda kasi nito at malawak halos kasing laki nang bahay namin sa probinsya at mayro'n pang isang malaking bathtub sa gilid at kumpleto pa sa gamit may mamahaling sabon at shampoo ang naro'n.
Nang matapos ako maglinis ng aking katawan ay kaagad ako nagbihis, nagsuot lamang ako ng isang maiksing short at spaghetti strap na damit dahil dito ako kumportable at natulog na ako.
Kinaumagahan pagkagising ko ay nagulat ako dahil pagmulat ko sa'king mata nasa harapan ko na si Hannah at tumatawa ito na parang baliw.
"Best friend naman, ang ganda mo sana eh, kaso tulo laway ka pa lang matulog, kadiri ka... [laughing out loud]" Sambit ni Hannah sa'kin at tumawa ng malakas.
"Bestfriend naman! bakit hindi mo ako ginising? talagang pinanuod mo pa akong natulog habang tumutulo ang laway ko?" pagtatampo kong tanong sa kanya.
"Sorry na bestfriend..." saad n'ya at nag peace sign pa s'ya.
"Kasi bestfriend nakahanda na ang lamesa para sabay na tayong kumain, pinatawag ka ni mama sa'kin sinabi ko kasing kasama kitang umuwi rito, kaya ayon excited si Mama makita ka, kaya tumayo kana riyan." Saad ng kaibigan kong si Hannah.
"Wait lang bestfriend, maghilamos muna ako ah! kasi puro laway pa yata ang nasa mukha ko." Sambit ko at sabay kaming nagtawanan, para kaming mga baliw pag kami talaga dalawa magkasama ay para kaming walang problema o ako lang yata ang may problema dahil s'ya mukhang wala naman.
Pababa na kami ng hadgan ng may napansin akong mga lalaking nakaupo sa malaking sofa at ang isa ay panay tingin pa sa'kin, nailang naman ako sa klase ng tingin n'ya, dahil hindi pa ako nakapagpalit ng damit na suot, kagabi pagtulog ko ay 'yon padin ang suot ko ngayon, isang maiksing shorts at spaghetti strap na damit, mabuti nalang at nakapagsuot pa ako nang bra.
"Bestfriend, sino ang mga lalaking 'yan?" agad kong tanong kay Hannah.
"Ah, sila ba bestfriend?" agad din naman sagot ni Hannah.
"Mga kaibigan sila ni kuya James bestfriend, maglalaro kasi sila ngayon ng basketball d'yan sa labas ng bahay," dagdag pa n'ya.
Pero nakikita kong nakatitig parin sa'kin ang isang lalaki, parang may kakaiba sa bawat tingin n'ya sa'kin. Ang iksi ng shorts ko kaya nailang pa akong lumakad, pero makinis at maputi naman ang legs ko.
Sobrang g'wapo ng kanyang mukha, baka nga artista ang lalaking 'to at mukhang maganda rin ng kanyang katawan dahil sleeveless na pang basketball na damit ang kanyang suot ay nakikita ko ang malalaki n'yang braso at mukhang matitigas pa ang mga ito, maputi rin s'ya at mukhang matangkad pa dahil kahit nakaupo ay nakita ko ang mahahabang binti n'ya. Dahil nadadaanan ang sala nila bestfriend Hannah papunta sa kusina ay matagal-tagal ko rin natitigan ang lalaking panay ang tingin sa'kin. Pagkatapos magtama ang aming paningin ay hinila ko na si Hannah at
agad kaming nagtungo sa kusina kung sa'n naro'n si tita Janine ang mama ni Hannah. Ang ganda parin n'ya at mukhang hindi tumanda ang kanyang hitsura.
"Hi, Tita Janine!" pagbati ko sa kanya na may tuwa at humalik sa kanyang pisngi.
"Hello, ija... mabuti at nakapasyal ka rito, matagal narin tayong hindi nagkita simula nang pumunta kami rito sa Manila at iwanan ang probinsya ay ngayon pa lang tayo nagkitang muli. Tingnan mo ang ganda-ganda mo na at ang puti mo pa... dati ija parati kang madungis." Sambit ni Tita Janine at tumawa, kaya napatawa narin kaming dalawa ni Hannah.
Ang daming kwenento ni tita sa'kin habang kumakain kami at sabi n'ya ay ok lang na rito ako sa bahay nila tumira habang naghahanap ako ng trabaho at kahit makahanap pa raw ako ng trabaho ay ok lang din kahit dito parin ako tumuloy dahil malaki naman daw itong kanilang bahay at madaming kwarto.
"Maraming salamat po tita napakabuti nyo po," bilang tugon ko.
Hindi pa man kami natapos sa pagkain ay mayro'ng binatang pumasok sa kusina medyo pamilyar ko lang ang kanyang mukha hindi ko na masyadong nakilala dahil nagbago ang hitsura nito at gumwapo ng sobra at shocks! wala pa itong damit pang-itaas nakita ko tuloy ang mala pandesal n'yang tiyan, kaya agad akong nag-iwas ng tingin.