Nagising siya nang maramdaman ang sunod-sunod na halik sa leeg niya. Gumalaw siya at tumagilid tiyaka mahinang tinulak ang binata. Kahit hindi na siya dumilat alam naman niyang si Thunder ito dahil ito lang naman ang kasama niya. "Good morning— I mean afternoon." Bigla niyang naidilat ang mata niya at napaupo sa kama. Napahawak tuloy siya sa ulo niya dahil sa biglaang pagbangon. "Oh my gosh! Late na ako sa pasok ko!" natataranta niyang sambit. Tatayo sana siya ng hinatak siya pahiga ni Thunder at niyakap ng mahigpit. "It's okay, inutusan ko si Brixton na puntahan ang shop para sabihin na hindi ka makakapasok dahil may emergency ka," Kinunotan niya ng noo ito at napataas ang isang kilay. Hindi siya nagulat doon sa pag sisinungaling na may emergency, nagulat siya dahil ang inutusan nito a

