Lumangoy siya sa pool at in-enjoy ang malamig na tubig. Mukhang maganda ang timing nila dahil kaunti lang ata ang naka-check in. Solo kasi nila ang pool ngayong gabi. Siguro dahil na rin sa hindi naman bakasyon ngayon kaya kaunti lang ang guest. Muntikan na siyang mapatili nang hatakin ni Thunder ang kaniyang bewang pababa. Medyo nag panic siya dahil lumubog talaga ang ulo nilang dalawa. Agad siyang umahon at humawak sa balikat ng binata. Nang makahinga ng maayos ay hinampas niya ito sa dibdib. "Gago ka talaga!" inis na sambit niya. Nakapalupot lang ang dalawang kamay nito sa bewang niya. He chuckled. "Don't worry, hindi naman kita hahayaang malunod." Inirapan niya ito at napatingin na lang sa view nila. Kita kasi roon ang view ng dagat. Pumunta naman sila roon banda sa dulo para tum

